005

40 22 0
                                    

TANGING IKAW LANG
Katha ni: Leaf Manunulat

Sa tuwing ika'y tinititigan,Ngiti ko ay hindi ay hindi mapigilan,Pagtawa mo na 'kay sarap pakinggan,Mamula-mula mong pisngi at labi na kay sarap halikan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tuwing ika'y tinititigan,
Ngiti ko ay hindi ay hindi mapigilan,
Pagtawa mo na 'kay sarap pakinggan,
Mamula-mula mong pisngi at labi na kay sarap halikan.

Aking sinta,
Tuluyan na ngang nahulog ng sobra,
Ako'y sanay na sa iyong presensya,
Bawat araw hindi mapigilang mapangiti kapag naiisip ka.

Laging hanap ang iyong itsura,
Ang bawat parte ng iyong mukha,
Sa puso't isipan ito'y nakatatak na,
Inukit nang hindi na makalimutan pa.

Laging hinihiling na sana,
Sana dumating na ang araw na mahagkan muli ang isa't isa.
Sana ikaw ang wakas sa aking pahina,
Na siyang iibigin ko hanggang sa aking huling hininga.

Hindi ko alam kung bakit ako nagiging makata,
Siguro nga'y ganito talaga,
Malala na ang tama,
Kaya't nagiging manunula.

Magkalayo man tayo,
Alam kong darating din ang araw na ako'y yapos mo,
Ilang beses mang mag-away, ikaw pa rin ang gusto,
Hindi man minsan magkasundo, sa'yo pa rin ako.

Masyado nang konektado sa'yo,
Minu-minuto, lagi kang naiisip ng utak na'to,
Sa paglipas ng oras, hinahanap ang tulad mo,
Hindi mapakali kapag hindi mo pa sinasagot ang telepono.

Mahal kita...
Kahit sino o ano ka pa,
Sa bawat aking paghakbang sa lupa,
Isa kang pangarap na nais maasam sa tuwina.

Ang makasama ka...
Mahagkan ng harapan,
Mahalikan nang madamag man,
Mayakap nang madama init na inaasam.

WHISPERS IN MY SAFE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon