WALANG IBA
Katha ni: Leaf ManunulatAng makasama kang magsulat ng bawat tula,
Nakakatuwa aking sinta, na nakakasundo kita,
Na ngayon ay naranasan ko na ring maging tunay na paksa,
Naranasan ko na sa wakas ang maging pamagat sa bawat libro at pahina.Bakit ngayon ka lang?
Siguro kung nakilala ka ng mas maaga,
Tuluyan nang napawi ang lahat ng luha sa aking mga mata,
Alam mo bang dati-rati ako ang laging umiintindi,
Pero napagtanto ko na paano naman ang aking sarili?Ngayong narito ka na,
Lagi kang nariyan upang gabayan ako, sinta.
Hindi hinahayaan na puno ng lungkot ang mga mata,
Muli't muling binabalik ang saya.
Hindi na sa'yo bibitaw at kakawala pa.Ikaw ang unang nakasaksi ng aking buong pagkatao,
Pasensya na patungkol sa pamilya ko,
Pero tandaan mo, lagi kiyang ipaglalaban at papanindigan, oo.
Ikaw lang ang siyang mahal at patuloy na ginugusto.Ilang away at tampuhan man ang dumaan,
Ilang daang metro man ang pagitan,
Ilang pagsubok man ang ating maranasan,
Ikaw lang ang palaging uuwian.Salamat sa walang kupas na pagmamahal,
Sa pag-intindi sa bawat araw,
Sa patuloy na pagtulong sa bawat galaw,
Sa mga panahong ang gabi ay may madilim, ikaw ang nagsilbing tanglaw.
Ikaw ang nagsilbing pag-asa,
Upang aking salubungin muli ang panibagong umaga.Handang ibigay ang lahat,
Handang isakripisyo ang lahat,
Mamahalin ka ng buo at tapat,
Maiparadam lang sa iyo na ikaw ay sapat.