004

53 23 0
                                    

TAKIPSILIM
Katha ni: Leaf Manunulat

Ang buhay ay parang alon sa karagatan,Damdamin ay parang bagyong dumadaan,May mga pagkakataong mataas, may mga pagbaba,Ganiyan ang takbo ng tadhana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang buhay ay parang alon sa karagatan,
Damdamin ay parang bagyong dumadaan,
May mga pagkakataong mataas, may mga pagbaba,
Ganiyan ang takbo ng tadhana.

Hirap na damdamin, parang unos sa gabi,
Mga nararamdaman na minsa'y sobrang galak, minsan nama'y nagdadalamhati,
Isang paglalakbay sa kakaibang labirinto,
Mga tunog na may kakaibang ritmo.

Umaalon na tono na tila'y problema mo,
Lumalaban sa mundo, sa damdamin nagtatago,
Madilim na kaisipan ay tila naglalaro,
Isipan mo'y natutuliro.

Ngayong ako'y narito na,
Sasamahan ka sa paglakbay, malungkot man o masaya,
Hahawakan ang iyong kamay at hindi na bibitaw pa,
Iingatan ka sapagkat mahalaga ka.

Ilang libong metro man ang pagitan,
Ilang bagyo man ang dumaan,
Ilang pagsubok man ang maranasan,
Patuloy kang paninindigan.

Tandaan mo, mahalaga ka.
Sapat ka, at kamahal-mahal ka.
Ano man ang nakaraan mo,
Ilang pagdurusa man ang naranasan mo.

Balewala lahat ng iyon, sapagkat tanggap kita ng buo,
Mahal ko lahat ng taong mahal at minahal mo,
Tama ang pagyoko ng ulo,
Salubungin natin ang mapanghusgang mundo.

WHISPERS IN MY SAFE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon