002

111 34 4
                                    

HINDI INAASAHAN
Katha ni: Leaf Manunulat

Makilala ka ng biglaan ay hindi ko inaasahan,Ang mahulog sa patibong mo ng tuluyan,Wala sa plano pero ginusto,Hindi inaasahan pero masayang nabihag mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makilala ka ng biglaan ay hindi ko inaasahan,
Ang mahulog sa patibong mo ng tuluyan,
Wala sa plano pero ginusto,
Hindi inaasahan pero masayang nabihag mo.

Hindi ko napansin habang kinikilala kita,
Loob ko'y napapalapit na,
Habang tumatagal, mas lalong humahanga sa'yo sinta,
Bawat araw na dumaraan laging hanap ka.

Mahal, sa'yo lang ako.
Ikaw ang dahilan kung bakit may kahulugan ang pag-ibig sa mundo,
Muling binuksan ang pusong takot nang masaktan,
Muling sumubok sumugal sa mundong walang kasiguraduhan.

Ngunit kapag kapiling ka, lahat ay may kahulugan,
Lahat ay may dahilan,
Para lumaban ako nang walang sukuan,
Upang mangarap ako hanggang may mapagtagumpayan.

Tanggap kita ng buo, mahal.
Masaya akong sa akin ka ipinagkaloob ng Maykapal,
Handa akong panindigan ka.
Aaminin ko na. Mahal kita sobra.

Ikaw ang tanging dahilan sa pagbangon ko,
Ang dahilan kung bakit lumalaban ako,
Kung bakit hanggang ngayon nangangarap pa rin ang tulad ko,
Ikaw ang siyang sandalan sa mga araw na gusto nang sumuko.

WHISPERS IN MY SAFE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon