TINATANGI
Katha ni: Leaf ManunulatKaibigan na lagi kong kadamay,
Sa problema'y laging kaagapay,
Turingan ay parang kapatid na tunay,
Sa bawat araw tila'y ayaw nang magkahiwalay.Tanggap na buo ang isa't isa,
Magkasundo tuwing magkasama,
Asaran, kuwentohan at kulitan ng dalawa,
Kahit magdamag ay hindi nagsasawa.Mga gabi, madalas nakatingin sa salamin,
May kung anong tinatanong ng sarili sa akin,
Nararamdaman na 'kay hirap damhin,
Nakakatakot baka aking pagsita'y hindi mo dinggin.Naging magkaibigan,
Ngunit hindi umabot nang magkaibigan,
Dati ay tanggap na hanggang doon na lang,
Kuntento na hanggang ganoon na lang.Laging nariyan upang ika'y suportahan,
Kung saan ka masaya ay siyang akin ring kasiyahan,
Sapat nang nakasama kita, kahit hanggang do'n lang,
Sapat nang nahagkan kita kahit kaibigan lang.Kaibigan na nagustohan nang hindi inaasahan,
Kaibigan, kaya bang mag-ibigan?
O hanggang dito nalang?
Kaibigan, maari bang dinggin mo itong aking nararamdaman?Kapalaran ka ba o pangarap lang?
Pangarap na kahit kailan impossible kong mahagkan,
Ayaw masira ang binuong samahan,
Kaya heto patagong nasasaktan.