KABANATA 23

779 68 28
                                    

Playing:perhap love


_________

•HE KISS ME•

DANAH'S POV

Nagkabati na kami ni Justine
Nung niligtas nya ako.

Hindi ko akalaing dadating sya.

Akala ko Wala ng magliligtas sakin pero Hindi,dahil dumating si Justine.
Takot na takot ako non, Hindi ko Alam Ang gagawin ko.

Nung dumating kami sinalubong kami nila ash, nakita ko silang nag aalala.

Pero Ang na pansin ko Wala si klint at cath.
Sila Lang Ang Wala saming lahat.

Tas nung dumating silang dalawa lasing na lasing si klint.

Tapos ng kinaumagahan Ang tahimik Lang ni klint.
Tapos si Cath Ang tahimik din, Hindi tuloy ako mapakali.

Gusto Kong malaman Kung anong nangyari sa kanila.

Curious ako.

••••••

PERRY CATHERINE EDWARDS/CATH'S POV

Iniisip ko Yung nangyari kagabi.
Nasasaktan ako sa nalaman ko at nasasaktan din ako para sa kanya
Parehas kami ng kalagayan.

Parehas kaming may gusto sa taong Hindi kami gusto.

[FLASHBACK:

Naglalakad lakad ako ngayon sa dalampasigan, Gabi na gusto ko Lang magpahangin.

Bigla Kong naisip Yung mga tingin ni klint Kay danah.
Sana Hindi Tama Yung hinala ko
Kasi Ang sakit makitang nakatingin sya sa iba.

Bakit ba Kasi ganito Yung nararamdaman ko Kay klint, gusto ko si klint pero mahirap ilabas tong nararamdaman ko para sa kanya lalo't Alam ko, nasa Iba Ang kanyang puso at isipan.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si klint nasa dalampasigan naka upo sa buhangin habang may hawak hawak na bote ng alak.

Lumapit ako sa kanya at nakita naman nya ako.

"Uy, Cath ikaw pala"lasing na Sabi nya.

"Pwede Maki-upo?"tanong ko sa kanya at tumango naman sya.
Umupo ako sa tabi nya.

Biglang tumahimik si klint habang nakayuko.
Tumingin ako sa dagat, Pero Maya Maya lang ay narinig kong humihikbi Ito.

Napatingin ako sakanya.

"Bakit ba, nasasaktan na naman ako"umiiyak na Sabi nya habang nakayuko.

"Ok Lang naman sakin kahit sa Iba sya masaya e, pero Ang sakit parin Lalo na nakita mo sa Iba sya sumasaya at Iba Ang nagpupunas ng kanyang mga luha na Alam mong malabong ikaw Ang makagawa."wika nya habang umiiyak parin.

Bigla syang nag angat ng tingin at tumingin sa Mata ko.
"Sabihin mo cath, ganon ba talaga kasakit yon?"tanong nya habang may mga luha sakanyang mga Mata na patuloy sa pagdaloy.

Ang sakit, parang Hindi ko sya kayang makitang ganto.
Hindi ko pa sya nakitang umiiyak
Kaya nagulat ako ng Makita syang naiiyak.

Gusto Kong isagot sa tanong nya na 'oo ganon kasakit yon, ganon din Ang nararamdaman ko sa tuwing nakatitig ka sakanya, grabing sakit ang dulot nito sakin.'
Gusto Kong sabihin Yan kaso natatakot ako.

"Ganon talaga kapag nagmamahal, masakit talaga yon"sagot ko.

"Kilala mo ba Kung Sino Ang nagugustohan ko,gusto mo bang malaman?"Saad nya.

Ayoko!

"Sige"sagot ko kahit sa loob ko ay ayaw kong malaman.

"Walang Iba kundi si danah richelle Ramilo"natatawang sagot nya.

Sabi ko na nga ba e, satingin nya palang Kay danah ay halata Kona.

Ang swerte ni danah dahil may isang klint Ang nagkakagusto sa kanya
Samanta lang ako pinapangarap Lang yon, na ako Yung magustohan nya.

Ang sakit, naiiyak ako pero kailangan ko tong pigilan.

"Ang swerte nya"nakangiting Sabi ko habang pinipigilan Ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

Ngayon ay mas nasasaktan pa ako dahil mas masakit palang ngumiti habang nagpipigil ng luha, mapakita mo Lang masaya ka.

Nasasaktan din ako dahil Yung gusto Kong lalaki ay may Mahal na Iba
At nasasaktan ako dahil Yung gusto nya may Mahal na Iba.

Uminom pa si klint ng uminom.

Sana ako na Lang Ang dahilan ng mga luha nya, Sana ako na Lang Yung gusto nya.

Tumingin ako sa langit at pumikit para palayain Ang mga luha Kong kanina pa gustong makawala.

Nakapikit parin ako ng magsalita ulit si klint.

"Ang ganda mo"napalingon ako sa kanya.

Tama ba Yung narinig ko.

Lumapit Ang kanyang mukha palapit sakin, tumingin sa mga mata ko
At nagulat ako ng halikan nya ako sa labi.

naramdaman ko Ang malambot nyang labi na dumampi saking labi
Marahan Itong gumagalaw, Hindi ko Alam Ang gagawin ko Kaya sumabay na Lang ako sa kanya, tumagal ang halik namin.

Hindi ako marunong humalik dahil Wala pang nakakahalik sa mga labi ko.
Kaya nagulat ako, Ito Ang first kiss ko
Hindi ko inaasahang sakanya Ito manggagaling.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay napahawak ako sa labi ko.

Tumingin sya sakin at nagsalita.

"I love you, danah" saad nya at bumaksak sa buhangin.
dahil sa sinabi nya ay napabalik ako sa reyalidad na Hindi nga pala ako Ang gusto nya, bakit nya ako hahalikan? At siguro akala nya ako si danah Kaya ginawa nya yon.

Nasaktan ako dahil don, dahil akala ko ako Yung sinabihan nya pero nagkamali Lang pala ako.

Bakit ba Kasi sya pa!

END OF FLASHBACK]

Ayon na nga Yung nangyari kagabi.

Kaya ngayon naiisip ko parin sya.

Naglalakad ako ngayon ng Makita Kong makakasalubong ko si klint ay napahinto ako.

Mulang nung nangyari Yun kagabi ay iniiwasan ko na sya,Ewan ko ba?.

Napatingin din Ito sakin at napahinto.

Nagtama Ang mga Mata namin.
Agad akong umiwas at tumalikod.

Ayaw ko muna syang Makita dahil na aalala ko Yung nangyari kagabi.

Palakad na ako palayo ng may humawak sa Kamay ko.

Napatingin ako sa humawak at nakita Kong si klint Ang humawak non.

"Saglit Lang may sasabihin ako sayo tungkol sa nangyari kagabi"Saad nya.

"Wag na, Alam ko na yon"Saad ko at tinanggal Ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko at muli sya tinalikuran at naglakad paalis.

Ayaw ko ng marinig payon Alam ko naman Ang sasabihin nya.

Mas mabuting lumayo na muna kaysa masaktan pa Lalo.
Kasi mahirap mawala yon e.

Patuloy Lang kitang mamahalin hanggang sa mapagod na tong puso ko.

________END OF KABANATA 23________

sorry guys Kung lame Yung chapter 23,Dami ko kcng iniisip e,Kaya medyo
Lame Yung ud ko.

Pero wag nyo paring kalimutan mag vote at comment.

Enjoy reading
LOVE YAHH<3

-ARASHEE31

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon