KABANATA 43

356 36 15
                                    


•FEELINGS•


DANAH'S POV

NATAPOS na Ang pag aalaga ko Kay Justine.
Simula ng matapos yun ay iniiwasan ko na siya.

Ewan ko pero nasasaktan ako e.

Hindi ko alam ang gagawin ko pag nanjan siya lagi kumakabog ang puso ko, Lalo na kapag nagiging malapit kami.

Sa totoo Lang nahihirapan akong iwasan siya.
Ang gulo nga, gusto ng isip ko na iwasan ko siya pero sinasabi din ng puso ko na wag ko siyang iwasan.

Ang gulo.

Gulong gulo na ako.

Pati rito sa nararamdaman ko.

Sinabi niya na gusto niya ako pero may Iba siya, ano ba Ang totoo?

Dahil sa gulo ng isip ko ay nagpunta ako sa isang bar, Yung palagi namin pinupuntahan.
Yung Basta bar to.

Ewan ko ba nagiging lasingera na yata ako.

Eto lang Kasi ang Alam ko para matanggal ang gulo sa isip ko.

Pagkapasok ko ay pumunta ako kaagad sa counter ng bar.

"Kuya, bigyan mo nga ako ng alak Yung makakawala ng problema ko."

Bungad ko sa bartender.

"Anong alak po ma'am?"

"Basta!, Kahit ano."

"Ok ma'am."

Agad Niya akong binigyan ng alak.
Nilagok ko agad pagkabigay ng bartender.

Hindi kona tinanong kung anong alak ang ininom ko.

bahala na.

••••••

1

2

3

4

5

6

Naka anim na ako na order ng alak na binigay sakin ng Bartender.

May tama na ako.
Kaya nahihilo na ako.

Naisipan Kong magbanyo Ang kaso patayo pa Lang ako ng may lumapit saking lalaki.

"Hi miss, are you alone?", Nakangiting tanong niya.

Naramdaman Kong humawak siya sa braso ko.

Iniwas ko Ang braso kaso pilit niyang hinahawakan.

"Ano ba bitiwan mo nga ako.", Inis ko Sabi sa kanya.

"Miss, sama ka sakin.", Ngiting nakakakilabot na Sabi Niya sakin.

"Pwede ba, tigilan mo nga ako."

Tinulak ko siya ng malakas, nahilo ako Kaya muntik na akong matumba pero naka hawak ako sa counter ng bar.

Lumapit ulit sakin ang Yung lalaki.

"Sumama kana Kasi sakin, nahihilo ka na oh."

Hinawakan niya ulit ang braso ko at pilit na hinihila ako paalis.

"Ano ba!", Galit na Sigaw ko at may takot habang nagpipiglas sa kanya.

"Ano ba wag ka ngang makulit!", Nagulat ako ng tumaas ang boses nito.

Masyadong maingay at Ang ilaw ay malikot at medyo madilim Kaya Hindi ako Makita at marinig ng ibang Tao at umalis Yung bartender kanina may inutos Kasi sakanya yung kasamahan Niya.

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon