KABANATA 38

568 115 22
                                    


•SHE SEE MY BESTFRIEND

DANAH'S POV

.

Hay... Ano bang nangyari kanina!

Dahil sa nangyari kanina ay hanggang ngayon ay gising parin ako.

2:35 na ng madaling araw pero Hindi parin ako makatulog.

Nakahiga ako sa Kama habang nag iisip ako.

Nauuhaw ako, siguro naman tulog yon at dadalhan ko na din sya ng kongmot at unan baka sabihan pa akong walang puso.

Kumuha ako ng unan at kumot para Kay Justine at Dahan dahan Kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumilip sa labas.

Nang makita ko tulog si Justine ay
Lumabas na ka agad ako binaba ko na muna ang unan at kumot na dala ko at nagpunta sa kusina para uminom at pagkatapos ay bumalik ako sa Sala upang ayusin ang pagkakahiga ni Justine.

Ang una Kong ginawa ay inangat ko ang paa nyang nakalaylay sa sofa.

Tapos ay inangat ko ang ulo nya para lagyan ng unan at ang panghuli ay kinumutan ko sya.

Nang makumutan ko sya ay gumalaw Ito at tumagilid ng higa paharap sa pwesto ko.

Namalayan ko na lang Yung sarili ko na naka squat at nakatingin sa mukha nya mahimbing na natutulog.

Masasabi kong lalong syang gwumapo at lumakas ang dating tapos ang laki ng katawan nya.

Habang nakatingin ako sakanya ay Hindi ko na pigilan na haplusin ang buhok nya, bumaba sa kanyang kilay na tama lang ang kapal at kasunod sa Mata at kanyang pilik Mata na mahahaba pababa sa kanyang ilong na may katangusan at sandali akong natigilan ng sa labi nya na ang hahawakan ko.

Nag aalangan akong hawakan Ito, nakaramdam ako ng kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa labi nyang mapula, nang mahawak ko iyon ay naramdaman ko Ang lambot non.

Naalala ko non nung ginawa ko to non nung mga Bata pa kami nung nakaupo ako sa damuhan tapos sya nakaunan sa binti ko habang nakahiga sa damuhan, natutulog.

(FLASHBACK)

Nandito kami ngayon sa park ng casa filipina.

Nakaupo ako sa damuhan habang nakaunan si Justine sa binti ko.

Napagod Kasi kami sa paglalaro Kaya nakaganto kami.

Masaya akong nakatingin sa pagid ng mapatingin ako kay Justine na tulog.

Hahaha... Nakatulog na siya sa pagod.

Ngayong tulog sya ay malaya Kong natitigan ang gwapo nyang mukha.

Hinawakan ko ang kanyang buhok.

Makapal ang kanyang buhok na itim na itim ang kulay.

Sunod ay tinerace ko yung kilay nyang tama lang ang kapal pati kanyang pilik mata nyang mahaba ay hindi ko pinalambas, gusto ko sanang bilangin kaso ang Dami, Kaya wag na lang.

Kasunod ay Ang hintuturo kong dumampi sa kanyang ilong na may katangusan.

Natigil ako dahil napatitig ako sa labi nyang mapula.

Bumilis ang tibok ng puso ko na karaniwang nangyari kapag kasama ko si Justine lagi ko itong nararamdaman pag nanjaan sya.

Minsan pa nga parang natutulala ako sa kanya Lalo na kapag ngumiti sya sakin ng kay tamis.

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon