KABANATA 48

345 45 8
                                    


•CONFESSION•

DANAH'S POV

SOBRANG saya ko sa bawat araw na dumadaan dahil kay Justine hindi ko alam na aabot kami sa ganto.

Bestfriend turns into lovers.

HAHAHA na alala ko pa yung mga nangyari sakin.

Marami talagang nabibiktima ng maling akala, sa dami ng nabiktima ay isa na ako dun.

Bwisit kasi masyado akong tamang hinala ayun tuloy parehas kaming nasaktan.

Tapos sa pagiging tamang hinala ko nadamay ko pa si angel na isang bata.
Ang kyut kyut ni angel bagay na bagay sakanya ang pangalan niya.

Ngayong araw ay busy si Justine kaya nandito ako sa bahay naglilinis.

Inayos ko yung mga gamit ko.

Pinacancel ko na yung flight ko dahil hindi na ako aalis.
Wala ng dahilan para umalis pa ako.

Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ng may kumatok sa pinto.

*TOKK*

*TOKK*

*TOKK*

*TOKK*

Ay putek hindi makahintay!

"Sanadali Lang!" Sigaw ko habang naghuhugas ng kamay.
At ng makahugas na ako ng kamay ay naglakad na ako papunta sa may pinto.

Pagkabukas ko ay nagulat ako.

"SURPRISE!!!" sigaw ng mga kaibigan ko.

OMG!

Gulat na gulat ako at napatakip pa ako sa bibig ko.

Agad kaming nagyakapan sa tuwa.

"Kala ko naman kung Sino Yung kumakatok, kayo lang pala, gosh.. kala ko yung inutangan ko na yung kumakatok, char! nasuprise talaga ako, namiss ko kaso!" Tuwang tuwa na Sabi ko.

Nagtawanan naman kami.

"Ano te? hindi kaba magpapasok?" Si leng.

"Tsk, edi pumasok kayo" natatawang Saad ko.

Pinapasok ko sila at pinaupo sa sofa sa may Sala.

Alam kong magiging maingay ang loob ng unit ko dahil sa kanila.

Nagpunta ako ng kusina at nagtimpla ng juice at kumuha ako ng mga machichicha nila.

Pero habang naghahanda ako ay bigla kong nakita si ash na papalapit sakin.

"Uhmm.. dan"

"Bakit ash?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

Nagulat ako ng imbis na sagutin niya ako ay bigla niya akong niyakap.

Narinig ko ang paghikbi nito habang nakayakap sakin.

Gumanti ako ng yakap at nangilid na rin ang luha sa mata ko.

dT^Tb

Nang magkalas kami sa pagyayakapan ay ngumiti kami sa isa't isa.

"Sorry..." Naluluhang saad niya.

"It's ok, kasalanan ko din naman." Nakangiting Saad ko kahit pa may mga luha na patuloy sa pagdaloy sa mata ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Bati na tayo!?" Nakangiting niyang sabi.

"Oo, bati na tayo..." Nakangiti din nasabi ko at natawa pa kami pareho at muling nagyakap.

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon