kabanata 1

5.1K 82 3
                                    

DANAH'S POV

Ako nga pala si Danah Richelle Ramilo, turning 16 years old this year and 3rd year highschool in Winton high.
i have boy bestfriend simula Bata ay magkaibigan na kami at the same time may lihim akong pagtingin sa kanya pero Hindi nya iyon alam.

At siya si Axier justine Vasquez, sya ay 16 years old bali 1 year Yung age Gap namin.
tulad ko 3rd year highschool na si Justine syempre sa Winton high din sya.
sabay din kami pumapasok, umuwi  dahil magkatabi Lang naman Ang bahay namin.

Super close talaga kami non.

Kaya ayun sa sobrang close na fall ako....

E..Sino ba namang hindi mafa-fall Kay justine e. gwapo, matalino, may pagkabad boy, matangkad, magalang, mabait at perfect na yata sya e, sikat sya sa Winton high dahil sa kanyang galing Lalo na sa pagsayaw.

Dating varsity ng tennis si Justine kaya lalo siya sumikat sa winton high pero itinigil niya dahil nakakapagod daw.

Haystt...Kaya dami Kong kaagaw e.
Masyadong ginagalingan....

At kung Hindi lang alam ng mga ka schoolmates namin na magbesfriend kami ni justine ay baka patay nako dahil sa dami ng mga fans ni Justine Kasi akala nila magjowa kami nung una dahil sa closeness namin pero totoo naman magbesfriend lang kami, matalik na kaibigan ang turing sakin ni justine pero ako lang tong higit pa don ang nararamdaman para sa kanya.

Pero wag kayong ano, syempre sikat din ako pero hindi naman Yung sikat na sikat hindi katulad ni Justine.
sikat ako dahil may angking Ganda rin naman ako, talino, at magaling din akong sumayaw pero minsan lang ako sumayaw dahil nahihiya ako pero maraming humanga sakin at isa na don yung taong gusto ko.

Oh diba pakganern, kaya tuwang tuwa na naman ang beshy niyo. HAHA..

So ngayon nagbabike kami papasok sa Winton high ni Justine.
Pero hindi sa pagmamayabang mayaman naman kami ni Justine pero hindi sobrang yaman.
Ngunit  sa kabila  non ay mas pinili naming magbike.

ayaw namin mag kotse at tyaka mga bata pa kami noh.
Wala pa kaming eighteen.
Pero minsan hindi kami nagb-bike Kasi gusto din naming mag commute o maglakad.

"Hoy! Justine hintayin mo nga ako!" Inis na sigaw ko dito habang pumipidal para pilit kaming magkasabay sa pagb-bike.

Tinawanan ako nito.
"Ikaw yung mabagal e..bilisan mo kasi. Parang pagong." Pang aasar nito sakin.

"Bwisit ka! Justine ano ba!?" Sigaw ko habang nakatutok sa kanya habang nagpipidal.

Dahil sa kanya ako nakatingin ay hindi ko napansin yung kuting sa daan.

Kaya nataranta ako at agad na niliko yung manibela para hindi ko masagasaan yung kuting kaya naman tumumba ako kasama nung bike ko.

"AHHH!" sigaw ko ng matumba.

Nakita kong natigilan si justine at lumingon kaya agad akong nag iyak iyakan na parang nasaktan.

"Huhu..aray.." iyak ko.

Nagmadaling bumalik si justine papunta sakin.

Agad nitong ibinaba ang bike ng makarating sakin at yumukod at inuluhod ang isang tuhod para ipang tungkod.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya sakin.

"Ano sa tingin mo!?" Mataray na sagot ko kay justine.

"Sorry.." sorry niya sakin.

Nakita ko ang pagkaguilty sa mata nito.

"Huhu..kasalanan mo to e! Aray ko..ang sakit!" Ngawa ko ng malakas.

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon