KABANATA 33

682 59 25
                                    


Playing: the one that got away nightcore by; katy perry

•MALING AKALA•

JUSTINE'S POV

Nasa opisina ako ngayon.

Hindi ko parin makalimutan Yung nakita ko kahapon.

Halos Hindi ako nakatulog non.
Kaya puyat ako.

Nag aayos ako ngayon ng mga papeles ng pumasok ang sekretarya ko.

"Sir Vasquez may problema po tayo"kabadong saad nito.

"What is it?"masungit na tanong ko.

"Nagback out po yung isa nating model para po sa bago nating lingerie, bigla na lang po syang umayaw"takot na paliwanag nito.

"Ano!, May nakita na kayong kapalit nya?", Inis na tanong ko.

"W-Wala pa sir"takot na sagot neto at nautal.

"E ano pang ginagawa nyo, maghanap na kayo dahil kung Hindi matatanggal lahat ng naghahandel pati narin ikaw"galit na Saad ko.

"Y-Yes po sir, alis na po ako"takot na Sabi nya at umalis na.

Tsk, kahit kaylan talaga!

May pupuntahan pa ako mamaya.
Magkikita kami ni kuya russ pupunta ako sa bahay nila yung katabi ng bahay namin nila dati, sa Casa Filipina.

•••••

DANAH'S POV

I'm back!

Yahh!!! Nakabalik nako.

After 7 years nandito na ako.

Namiss ko mga kaibigan ko pati ang kuya kong walangya.

Kamusta na Kaya si ash, chacha, leng, cat, at unis namiss ko sila.

K-Kamusta na kaya si j-justine, may kasintahan na kaya sya, sila naba ni Jasmine?

Hay...ano ba danah! tumigil ka na nga!

Naka move on na ako kaya wala na sakin Kung sila na.
Remember 7 years na ang nakalipas, matagal ko ng nilimot ang lahat.

nandito na ako sa bahay namin.

Nagdoor Bell ako.

*Dingg...dongg..* nakailan ako na doorbell.

Kahit kaylan talaga to si kuya ang tagal magbukas ng gate.

Ginigigil ako neto.

Pero habang naghihintay napatingin ako sa katabing bahay namin.

Ang bahay nila Justine.
Ganon parin ang itsura pati narin ang kulay.

Nakatingin ako don ng bumukas yung gate namin.

"Ano Yun?, Hindi kami tumatangap ng katulong miss"Saad ng kuya kong tarantado.

Loko to si kuya!

"Ay sorry ahh"sarcastic na Sabi ko at binatukan sya.

"Arayy ano ba!"daing nito.

"Katulong pala ahh"nakangising Saad ko.
At aambang kokotongan ko ulit sya ng

"Ok, you win little sis"sukong Saad nito.

Akala mo ahh...

Ako pa pagtritripan mo!

"Bakit Hindi mo sinabing uuwi kana?"tanong ni kuya.

"Para surprise"sagot ko.

Pumasok na ako.

Promise Series 1:MY LONG TIME CRUSH[UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon