°°°
Casper's P.O.V
"Can we talk?"
Talk?
Ako?
Bakit pa?
Ano pa bang pag uusapan namin?
Matapos ng mahigit limang taon na bigla niyang pagkawala na parang bula, na ni kahit anino niya, hindi nagpakita, ngayon, ina approach nia ako na mag usap kami? Para ano pa? Para maniwala ulit sa mga sasabihin nia? Sa mga kasinungalingan nia?
Minsan na akong nagkamali, kaya ayoko nang maulit pa. Ayoko nang mahirapan ulit. Ayoko nang umasa at masaktan pa.
Kaya minsan na rin namin siyang kinalimutan. Itinuring na parang patay na. At ayoko nang magkaroon pa kami ulit ng closure.
"Pasensiya na, m-may pupuntahan pa kasi kami." pag iiwas ko at agad nang tumalikod ulit. "Halika na, Zac. Magpaalam ka na kay Uncle." saad ko at hinila na ang kamay niya paalis.
Hindi na muling nilingon pa. Wala na rin akong narinig na tinig mula sa kanya.
*sigh*
Siguro, ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para hindi na mas maging komplikado pa ang sitwasyon sa pagitan namin. Ayoko nang ipaglapit pa ang anak ko sa kanya..
..kailan pa man.
"Dad, ang kamay ko."
Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Zac kaya napatigil ako at umupo sa harap nia para pantayan siya.
"Sorry, masakit ba ang pagkakahawak ko?" nag aalalang tanong ko na humawak sa pisngi nia.
Umiling siya. "Ok lang po ako. Kaya smile ka na po." sagot nia na humawak rin sa magkabilang pisngi ko.
Napangiti ako. Napakasaya ko talaga na nagkaroon ako ng anak na ganito ka sweet sakin. Siya ang nagtatanggal sa mga negativities ko at pagod mula sa trabaho.
"Gusto mo ba ng strawberry ice cream?"
Nakita kong kuminang ang mga mata nia sabay tango. Pero agad din iyong napalitan ng pagkakakunot ng noo nia. "Pero, Dad. Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?"
Eh? Haha. Naalala niya talaga yun?
"Ah, w-wala. Sinabi lang yun ni Dad para makapunta tayo sa ice cream store." wika ko na napakamot ng batok.
"But Dad, still, you lied to that uncle. Say sorry next time you meet him."
Seryoso? Anak ko na ba talaga to? Parang nasobrahan ko na ata sa pagdidisiplina, dahil pati ako, inaapplyan na nia na rin ng mga natututunan nia mula sakin.
"O-ok. Magsosorry ako pag nagkita kami ulit ni uncle, ok ba yun?"
"Ok." At ayun, bumalik na naman siya ulit sa seryosong mukha nia.
Ugh. This kid makes my heart pumps fast when he's like that. Minana niya siguro sa ama niyang, hay, nevermind.
~•~
"Paano kung tungkol to sa anak nio? Baka gusto niyang pag usapan nio ang dahilan kung bakit siya nawala. Or else, baka tungkol sa pagbabalik nia, na pananagutan na nia ang anak nio. Susuportahan ka na nia, sabi mo nga sakin kanina, diba? Hindi naman nia anak yung nakita niyo na bata na kasama nia? Anak lang yun ng kapatid nia."
"Kahit na, Xi. Hindi natin alam kung may pamilya na rin siya ngayon. May anak nang sinusuportahan, ganun. Siguro, nagkataon lang na nakatoka siya sa pamangkin nia. Ayoko namang masira yun dahil lang sa amin."
BINABASA MO ANG
Calvary of an Omega - Short Story [COMPLETED]
Ficción General[UNEDITED] What will you do if you are aware that your life could be in danger at any moment? You are aware of the flaws within yourself that may harm you. Particularly if you are aware that nobody can support you when you need them most. He is in a...