°°°
Casper's P.O.V
"I want to watch him grow up with you."
"Ayoko." matigas na sagot ko pero hindi nagbago ang seryosong reaksyon sa mukha nia. Diretso pa rin ang tingin nia sakin.
"Hindi na kailangan. Tsaka hindi na rin naman ako interesado na masama ka pa sa buhay anak ko. Kung nakaya ko ang limang taon na wala ka, kakayanin namin na kahit lumaki ang anak ko na walang ama. Ayoko ring lumaki ang anak ko na kasama ka at matulad sayo na walang kwenta. Kaya aalis din kami ngayon dito."
"Sa ayaw at sa gusto mo, hindi kayo makakalabas sa bahay na to. Leave this house, If I already told you to." saad nia at tumalikod na paalis.
Tss. Pinapairal nia talaga ang kasamaan nia.
"Dad."
Napalingon ako kay Zac at napansin kong medyo natakot rin siya dahil sa paraan ng pagsasalita ng hayop na yun kaya napahigpit rin ang hawak nia sa akin.
"Don't worry baby, makakaalis rin tayo rito. Makakauwi rin tayo, ok?" sabi ko para kahit papano, mawala at mapanatag ang loob nia. Tumango rin siya agad. "Kaya dito ka lang sa tabi ko. Wag na wag kang lalapit sa kanila o kahit sa uncle na yun."
"Pero Dad, mabait siya sakin kanin--"
"Hindi!" sigaw ko na ikinagulat nia. Nabigla rin ako sa nakita kong reaksyon nia kaya agad din akong umupo sa harap nia para mapantayan siya. "*sigh* Sorry. H-hindi ko sinasadyang masigawan ka. Pero please, makinig ka kay Dad, ha? Wag ka nang lalapit sa uncle na iyon. Maliwanag ba? Pangako mo sakin."
"Opo, Dad. Pangako."
Lumingon ako sa may pinto pero nakita kong maraming mga tauhan nia ang naroon na nakabantay. Lalo na sa may gate. Ang lalaki ng katawan at mukhang nakakatakot pa.
Hayy. Ano nang gagawin ko?
Kung mas tatagal kami rito, alam kong mas kukumplikado ang sitwasyon. Lalo na kung laging nakikita ni Zaccheus ang sira ulong Zachariah na yun.
Ayokong humantong sa punto na isang araw, magtatanong sa akin ang anak ko tungkol sa kanya o tungkol sa isa pa niyang magulang. Dahil alam kong hindi ko rin masasagot yun.
Ayokong ang anak ko na mismo ang siyang gagawa ng dahilan para mapalapit ulit sa kanya.
Kaya ngayong hindi pa lumalabas ang resulta, kailangan ko nang makagawa ng paraan para makaalis na kami rito sa mas madaling panahon.
...
Zachariah's P.O.V.
Unang kita ko palang sa bata, parang may naramdaman na akong kakaiba. Feeling ko ay ang lapit lapit ng loob ko sa kanya. Pero mas lalo lang lumala nang malaman kong si Casper pala ang ama.
Alam kong yun ang anak ko pero mas mabuti na rin yung may legal na patunay na siya nga ang anak ko sa kanya.
Pero bigla ring nagbago ang ihip ng hangin nang makita kong ilap na sakin si Casper. Yung tipong ni ayaw na rin niya along kausap o makita man lang. At parang iniiwas ang bata sakin.
Yun ang tumulak sakin na gawin ang bagay na to. Hindi na siya makakaiwas pa sakin. Mas tumitindi lang kasi pakiramdam ko na sakin talaga nanggaling ang bata at hindi totoo ang sinasabi niyang pinalalaglag nia ang sanggol na bunga ng pangyayaring naganap sa pagitan namin noon.
Apat na araw na rin ang nakalipas mula nang papuntahin ko si Casper rito.
Apat na beses na rin siyang nagtangkang lumabas pero mas pinaigting ko lang ang pag utos sa mga taga bantay ko na hindi sila hayaang makaalis.
BINABASA MO ANG
Calvary of an Omega - Short Story [COMPLETED]
Ficción General[UNEDITED] What will you do if you are aware that your life could be in danger at any moment? You are aware of the flaws within yourself that may harm you. Particularly if you are aware that nobody can support you when you need them most. He is in a...