PART 7

1.3K 64 5
                                    

°°°

Zachariah's P.O.V

Pagkatapos ko sabihin sa kanya ang huling katagang yun ay wala na akong narinig pa na sagot mula sa kanya dahil agad rin siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Napabuga na lang ako ng hangin na sinundan siya ng tingin.

Hindi ko na rin naman siya masisisi kung ganito na lang ang pakikitungo nia sakin.

Pero alam ko na, magiging maayos din ang lahat kapag nalinawan na siya sa totoong nangyari. Alam kong maiintindihan rin nia ako.

"Hello Mom, Dad." bati ko na yumakap sa kanila pagkarating ko sa family house namin.

Iba kasi yung bahay na kinaroroonan ni Casper ngayon  kaysa dito sa bahay namin. And they didn't know about it. I secretly bought that house for some private matters. Lalo na at maganda ang lote na kinatayuan at medyo malayo pa sa syudad.

"Oh. It looks like there's something that bothering you."

"I'm fine, Dad. I'll just go upstairs." pag iiwas na sabi ko at tumalikod na.

"Wait, did you meet up with--"

"Let's just talk about it later, Mom. I'm tired." walang kaemo emosyon na sabi ko.

"O-ok. Take a rest first, son."

*sigh*

This life really sucks.

Pabagsak akong napahiga sa kama nang makapasok na ako sa kwarto. Hindi ko namalayan na nakatitig na rin pala ako sa puting kisame.

Naalala ko tuloy ulit ang nangyari kanina bago ako umuwi rito.

Naisipan ko kasing puntahan ang anak ko sa isa sa mga children house na ipinatayo ko noon. Ipinadala ko muna siya roon para makapagliwaliw at magkaroon ng ibang kaibigan. Naisipan kong ilayo muna siya pa rin maiwasang nakikita kami ni Casper na nag aaway. At para na rin mas mapagtuunan ng pansin ng mga nurses at kindergarten teachers na sinusuwelduhan ko doon. That house is not just for playing purposes pero they can also learn here to develop their intellectual and social mind.

Sinadya kong ipatayo ito noon dahil isa rin ito sa nga paraan ko para mahanap ang anak ko kay Casper. Alam kong nagbunga ang namagitan samin kaya nagbakasakali ako na baka mapadpad sila roon pero nabigo ako. Hindi ko na kasi alam kung paano at kung saan ko sila hahanapin.

Pero dahil sa tungkulin na ibinigay sakin ng kapatid kong lalaki na bantayan muna ang pamangkin ko sa kanya na si Chelsea sa school. Doon ako nagkaroon ulit ng swerte na sa loob ng mahigit limang taon, muli na naman kaming pinagtagpo ng tadhana.

Flashback.

"Uncle, nasan na po si Dad? Please, take me back to my Dad already." salubong nia sakin nang makitang papasok ako sa pinto sa isang playroom roon.

"Just stay here for a while. Susunod rin si Dad. Ok ba yun?" tanong ko na humaplos sa buhok nia. "Go, play with your new friends."

Tumango rin naman ito at agad na bumalik sa pinaglalaruan nia kanina kasabay ng ilang mga bata.

Hindi ko nga inakala na ganito pa rin siya kabait at kasunurin sakin kahit na inilayo ko na siya kay Casper. Katulad ko ay parang ang lapit pa rin ng loob nia sakin. Hindi katulad ng ibang bata na kapag kinuha o binuhat lang ng ibang magulang, iiyak na, matatakot o magwawala. Pero siya, hindi. He also treat me like a parent too. And I was.

End flashback.

Hindi ko na muna siya ibabalik kay Casper. Tsaka ko na sila pagkikitaing muli pag nasa tamang oras na. Kahit na magalit na siya sa akin, nasa akin pa rin ang batas. Ako na ang masusunod ngayon, lalo na at alam ko na ang totoo.

Calvary of an Omega - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon