Kabanata 10

1.1K 48 16
                                    

Crush


I opened my eyes and saw the familiar interior of Lia's bedroom. I sat down and thought about what happened last night.


"Tangina, gising na amputa." Bungad niya sa akin habang may dalang tray ng pagkain.


Nilingon ko ang orasang nakapatong sa bedside table niya. Alas otso na. Inilapag naman ni Lia ang tray at agad kong kinuha ang tubig na naroon.


"How did I get here?" I asked as I sipped some water.


"A certain Alvaro Zobel brought you here." My eyes widened and my lips parted, water also came out of there.


"Inangyan, ang salaula. Putangina naman ang gaga naman." Sabi ni Lia nang punasan ko ang tubig na tumulo. Pasmado talaga ang bibig ng babaing ito.


"Kuya Varo did what?" Nakakahiya!


"He showed me his ID. Ang cute nga niya eh. Law student. Hoy ikaw ha! Gusto mo pala yung mga mas matanda."


"Where's my phone?" She took something from her pocket and handed it to me.


My phone was bombarded with messages but what caught my attention was Maggie's message.



From Maggie:

"Sdn ka? gagp! sinpak nI eli si carsn!"


Eli was there? Napailing ako at muli pang nagscroll. Most of it were messages finding me. I think they eventually found out that Vance was the one holding my phone.


"Vance was the one who brought this one though. What happened?" Lia's face became serious as she asked.


Kwinento ko naman sa kanya ang lahat dahil ayoko naman nang itago. The first step to healing is to accept the fact that you're hurting.


Naligo ako at pagkatapos tumawag na kay Vance, nakakatakot ang dating ng mga text niya. Alas tres ng madaling araw pero may proper punctuations pa rin siya. Straight english pa iyon. Tumawag raw ako agad kapag nagising ako. Sinong di kakabahan? Daig pa niya si daddy.


I cleared my throat first before pressing the call button. After two rings he already answered.


"Have you eaten? Does your head hurt? Do you want me to fetch you? Coffee? Tell me." Napahilot ako sa aking sentido sa sunod-sunod niyang mga tanong.


"I have, it doesn't, you don't need to and you know Im not a fan of coffee." I rarely drink coffee. Ayoko kasi ng pakiramdam ng palpitation. Minsan lang talaga ako kung magkape, iced coffee lang din ang gusto ko iyong vanilla.


"What happened last night? Did Carson talk to you?"


"Yeah, we talked. It's all good now." I comb my hair while looking at the city's view.


Tahimik lang si Vance sa kabilang linya kaya naman naisip ko nang itanong ang kanina ko pang iniisip.


"What happened when I was gone?" I heard him sigh in the background.


"Eli saw and heard everything." Mariin akong napapikit sa narinig.


Nagtanong pa ako ng kaunti kay Vance bago ko tapusin ang tawag.


Nanlamig na ang kamay ko nang mapagtanto kung sino ang susunod kong tatawagan.


"Kuya Varo?" Sumasakit na agad ang ulo ko kahit na wala pa akong sinasabi.


The Midst of Plight (Working Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon