Kabanata 28

733 23 4
                                    

Bring It On


"So ano na ngang plano mo?" Chary asked before sipping her coffee. 


It's been months since I graduated, and even if my parents said that I can take a break and travel before looking for a job, I didn't. Naghanap na agad ako ng trabaho dahil gusto ko na kumita ng sarili kong pera. 


"Ewan, gusto ko lang talaga matulog right now." I said as slapped my face for a bit to wake up. 


I applied as a researcher for one of the leading news magazine show in the country. Masaya naman ako sa trabaho ko, kaya lang kung saan-saan pinapadala ang team namin. Lahat na na-encounter ko, multo, manananggal, mga nawawalang anak, umaapoy na tubig, at marami pang iba na hindi mo makikita on a daily basis. 


"Julia, LSAT's in two months. You have to decide if you want to keep exploring the engkantos of the Philippines or be a lawyer." Chary said, she's in law school now and hasn't been getting a lot of sleep. 


Di ko na kinaya at pinatong ko na ang ulo ko sa lamesa sa sobrang antok. Kakatapos ko lang bumuo ng storyline para sa episode next week. Lilipad na naman ako bukas papuntang Davao kasi naroon ang storya na ifefeature namin. Pucha, pagod na ako. 


"What's wrong with that? Pakiramdam ko nga pwede na rin akong esperitista. Mas malaki pa kaya ang talent fee nila kaysa sa sweldo ko." Sabi ko habang nasa lamesa pa rin nakapatong ang aking mukha. 


"It's your call, I'm just reminding you of the LSATs." She said and let me be. 


Nakatulog ako sa lamesa ng coffee shop, ginising na lang ako ni Chary nang maubos niya ang kape niya. Bumalik na rin ako sa network pagkagising ko, kailangan ko nang icoordinate ang itinerary sa finance para maibook na nila ang ticket namin. 


"Miss Julia, kailangan pa po pala nating mag-interview ng medical expert para sa episode next week." I sighed as I realized what the intern said. 


"Oo nga ano, sinong available na mag-interview ngayon galing sa team?"


Napakamot sa ulo ang intern namin na para bang hindi alam ang isasagot sa akin. "Wala po eh, lahat po on the ground." 


"Give me the questionnaire in an hour, I'll do the interview." 


"Pero day-off niyo na po dapat today diba? Wala pa po kayong tulog." Nakalimutan ko na rin kung ano ba 'yung tulog. 


"It's okay," I said and tapped her shoulder. "Prepare the questions while I secure a letter for the hospital." 


And in just an hour, I was on my way to Alonzo Medical Center. Buti na lang at agad akong nakasecure ng doktor na pwedeng mainterview. 


Nang makapagpark ako ay agad na rin akong pumasok sa ospital. Kasama ko ang isang cameraman na siyang magrerecord ng interview. Dali-dali kaming naglalakad nang mapatigil ako dahil sa nakita kong pamilyar na mukha. 

The Midst of Plight (Working Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon