Chapter Nine

312 14 18
                                    

A/N: Check out the song to the side... inspiration iyan ng lola niyo sa pagsusulat... one week na iyang naka replay sa phone, tab at laptop ko. wahahhaha xD hindi konek sa story pero feel ko lang talaga ang lyrics nya! -------------->

                                                        *        *        *        *

HINDI alam ni Reese kung ilang minuto na silang nagpalakadlakad ni Ethan. Nalagpasan na nila ang Engineering, Education at Science and Mathematics na College buildings pati na rin ang Cafeteria nila ngunit hindi pa rin tumitigil si Ethan sa paglalakad. And she loved the warmth of his hand encompassing hers na kahit sandali lang ay ayaw niya munang bitawan nito ang kamay niya. Hindi sila magkasabay na naglalakad. Ethan was infront of her, leading the way. Habang siya namn ay nasa likuran ng binata at hatak hatak nito kung saan man nito plano nilang mag-usap.

With most of the students in the open field, gym at media room, hindi gaanong matao ang daan na tinatahak nila. From a distance, she could hear the music coming from the speakers and the occasional cheers coming from the students. But other than that it was relatively silent. She could even hear the slight crunch their feet made evrytime it touched the graveled path they were walking on.

Napatingin siya sa magkasalikop nilang mga kamay and then looked at the back of Ethan’s head. Wala pa itong sinasabi simula nang makaalis sila sa club room. At dahil sa nakatalikod ito sa kaniya ay hindi niya alam kung anong emosyon ang nakaguhit sa mga mata nito.

What are you thinking Ethan?,  tanong niya sa isip habang hindi inaalis ang tingin sa likod nito.

Gusto niyang huminto at paharapin ito sa kaniya upang magkaroon siya ng ideya kung ano ang umiikot sa isip ng binata. Ethan was a master at displaying a poker face. Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi mo mapapalis ang poker face nito. But she knew him too well to be tricked by that face. Alam niyang kailangan niya lang tingnan ang mga mata nito para malaman kung ano ang nararmdaman o iniisip nito.

“Do you remember when we were kids?”

Agad siyang nahinto sa pag-iisip nang marinig niya ang baritono nitong boses. Noon niya lang napansin na huminto na pala sila. She looked around and saw that they were in their Universities Nature Park. Napapalibutan ang lugar ng iba’t-ibang naglalakihang puno na may nakalagay pa na scientific name ng mga ito habang nasa gitna naman ang isang malaking akasya. Stone tables and benches were placed all over the place. Flowers were grouped accordingly- roses, daisies, sunflowers, morning glories, periwinkles and more.

Ibinalik niya ang tingin kay Ethan na noon ay nakatingin pala sa kaniya, hinihintay ang sagot niya sa tanong nito.

“Ano namang tungkol sa childhood natin ang gusto mong i-remember ko?” kunot noong tanong niya rito.

Ethan just smiled and tugged her towards the nearest bench. Umupo siya roon habang ito naman ay sumandal sa puno sa tabi niya.

“I was five when I first saw you. You were four back then. You were this damsel in distress wearing this white dress with pink ribbons in it…” Ethan smiled as he relayed their first meeting.

Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon