Chapter 2
“Tama ba itong mga naririnig ko o are the rumors just what they are, rumors?” iyon ang bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Nixie. Kasalukuyan silang nasa labas ng Room 204, naghihintay na lumabas ang mga estudyante na nag-ookupa nun.
“Sa dami ba naman ng tsismis na kumakalat sa lugar na ito, malamang hindi ko na alam kung ano iyang pinagsasabi mo.” Sambit niya rito habang nakatuon ang pansin sa handouts na binabasa.
Biglang nawala ang papel sa harap niya ng hablutin ito ni Nixie at basta basta nalang ibigay sa katabi nitong si Krysha. “Huwag mo munang deadmahin ang beauty ko Clarisse at baka masabunutan kita dito. Masama pa naman iyan sa magandang image ko.” Usal nito, “SO, totoo ba?”
Nagpalipatlipat ang tingin niya sa dalawa niyang kaibigan hanggang sa huminto iyon kay Krysha, “Kailan ka pa nakinig sa tsismis? Akala ko ba ang tingin mo sa mga taong tsismosa ay mga alien?” tanong niya rito.
Nagkibit lamang ito ng balikat, “Hindi nga, kaso nagpustahan na kase kami nitong si Nixie. She thinks the rumor isn’t true, I think it is.”
“At kailan ka pa nanalo sa pustahan niyo ng isang iyan? Eh sugarol iyang isang iyan eh.” Sabay turo kay Nixie na akmang sasakalin na siya.
“Bruha ka, pasalamat ka at andito ang aking mga ever beloved na mga tagahanga, kung hindi kanina ka pa nag exit sa world.” Sabi nito sabay inayos ang buhok nito na naka lugay.
“At saan mo naman nakuha iyang ideya na may mga tagahanga ka?” ani ni Krysha.
Ngumisi lang ito saka tinuro ang grupo ng mga engineering students na naglalakad papunta sa gawi nila, “Ayun oh”, anito saka kumaway ng mapadako sa kanila ang atensyon ng mga ito, “Hey boys.”anito sabay kindat. Ngumiti lang ang iba habang bumati at nagpa-cute naman ang ilan.
Napailing na lamang siya at si Krysha rito. Well, hindi rin naman katakataka ang reaksyon ng mga lalake dito. Keira Nixie Alledo was probably one of the most popular girls in CASS o College of Arts and Social Sciences. Bukod kase sa pagiging isang sikat na journalist at contemporary dancer ay maganda rin ito. Hindi ito ang tipong masasabi na sexy ngunit she was probably the most charming and refreshing person you will know. She was a crowd person, kahit saan ito pumunta ay binabati ito ng mga tao like all of them knew her, if not by name, by face. Bukod dito ay may isa pa silang member ng grupo nila na sikat. Speaking of that Zia, asan na ba ang babaeng iyon?
“Okay, I’m here. Pwede na nating ipagpatuloy ang pag i-enterogate sa babaeng iyan.”
Lumingon siya sa bagong dating and was greeted by the sight of one of the most beautiful girls on campus. Ito ang last member ng kanilang barkadahan, the Campus Ice Princess, Trizia Coleen Fineza. She had long wavy chessnut hair and amber eyes with a speck of green dala ng halo-halong dugo nito na British/Filipino/Chinese. Aside from a beautiful face, Zia also had a bomb shell body that guys lusted after. She was the epitome of beauty kaya naman nagkakandarapa ang mga lalake sa pag habol dito. Malas nga lang nila at walang intensyon si Zia na mahulog kahit kanino.
“Lumayo ka nga sa akin Zia at baka mag mukha akong basahan. Hayan, celophane, itago mo ang mukha mo at nang mabawasan iyang ganda mo.” Ani ni Nixie sabay abot dito ng celophane.
BINABASA MO ANG
Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)
Humor"She loved him. She had loved him all her life. Ngunit kung isang kaibigan lamang talaga ang papel niya sa buhay nito, okay lang. Magiging isa siyang mabuting kaibigan at tatanawin na lamang ito sa malayo habang kasama nito ang babaeng mahal nito." ...