Chapter Eight

321 12 26
                                    

A/N: Song to the side and an amazing quote na feel ko bagay kay Reese ;)

♥        ♥        ♥        ♥        ♥

“SO… SAAN ang punta mo ngayon?”

Paalis na sila sa Ohayoo café, ang coffee shop kung saan sila nag-usap ni Kayle. Dapat sana ay magkikita sila ng mga kaibigan niyang sina- Nixie, Zia at Krysha kaso nag text ang tatlo sa kaniya upang sabihin na busy ang mga ito. Zia was attending some fancy business party with her parents. Si Nixie naman ay trapped pa rin sa pagko-cover ng Foundation Week/ Valentine’s Day. And Krysha, well dahil sa sikat ang bandang Anonymous at fully booked sila para sa linggong iyon ay baon ito sa rehearsals.

“Well, dapat sana ay pupunta ako sa club room naming kase rehearsal ng banda,” as the manager dapat ay kanina pa siya nasa club room para inspeksyunin ang mga gamit at bantayin ang mga kumag na alam niya ay maglalaro lang imbes na magpractice. They were the campus band after all at sa dami ng events ay mapapaos na ang boses ng lima pagkatapos ng week na ito.

“Gusto mo samahan na kita papunta doon? I’ve always wanted to see the famous Anonymous practice,” anito sabay kuha ng dala niyang box kung saan nakalagay ang binili niyang blueberry cheese cake para sa band members. Muntik na siyang mapatalon ng magdampi ang mga balat nila.

What the hell is wrong with you Clarisse? Anas niya sa sarili. Si Kayle lang naman iyan, paalala niya sa sarili. Si Kayle na captain ng basketball team. Si Kayle na MVP last year. Si Kayle na isa rin sa mga notorious na Campus Heartthrobs ng pinakamamahal nila na University. How was it na sa tuwing kasama niya ito ay nakakalimutan niya na hindi ito isang normal na human being na gaya niya? Napatingin siya sa mga tao na nakakasabay nila sa paglalakad. Halos lahat ng mga ito ay mga college students na gaya nila at halos lahat rin ng mga ito ay napapasipol ng tingin sa kanila. O mas tamang sabihin- kay Kayle. At bakit ba naman hindi? Sa gwapo ba naman ito sinong hindi mabubuhayan ng hasang ng dahil dito?

Malamang ikaw, sabad naman ng isang bahagi ng isip niya. Gusto niyang mapabuntong hininga. Minsan talaga nakakpagod makipag usap sa sarili lalo na kapag epal ang isip mo. Hay, ewan! Nababaliw na talaga ako.

“So…?”

Nilingon niya si Kayle. Napangiti lang ito ng makita ang nakakunot niyang mukha. Mukhang alam nito na hindi niya na narinig pa ang sinabi nito dahil linipad nanaman kung saan ang utak niya.

“I asked if it was okay if I went with you to the club room?” nakangiting sagot nito sa silent na tanong niya, “Kung okay lang naman sa’yo,” dagdag pa nito.

Ilang segundo niya itong tinitigan. Should she? Closed from the public ang practice nila lalo nan g mas sumikat pa ang banda dahil imbes na makapagensayo ang mga ito ay naaabala na ang mga ito ng mga fans na noon ay Malaya pang nakaka bisita pag practice hours nila. But Kayle isn’t a crazy fan girl, paalala niya sa sarili. And besides alam naman natin Reese na nandoon si Karissa, so what’s wrong with bringing Kayle? If Kayle was their ay hindi niya na kailangan pang makipag usap pa kay Karissa at lunukin lahat ng masasamang sinasabi nito.

With her mind made up ay tinanguan niya ito at nginitian, “Let’s go.” Aniya saka kinuha ang kamay nito at hinila ito papunta sa direksyon ng club room.

Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon