Chapter One

689 18 2
                                    

Chapter 1

 

Naka pangalumbaba si Reese habang nakatingin sa labas-pasok na customers ng naturang restaurant na pinuntahan niya. Nasakasagaran kase siya sa pag-iinternalize at ginustong pumunta sa isang lugar na walang mga asungot na makikialam sa pag memeditate niya. She was lost in her thoughts nang maramdaman niyang may humila sa naka braid niyang buhok. Nakabusangot niyang nilingon ang salarin.

“Akala ko ba no pets allowed dito? Paano kayo nakalusot?” asar na tanong niya sa apat na kabuteng nakangiting nakatayo sa harap niya. They were her friends as well as the four most annoying men in her life.

“Ano ka ba naman Reese. Ikaw nga na hindi naman tao pinapasok nila, kami pa kaya? Sa gwapo naming ito, we can go anywhere we want.” ani ni Asher, the playboy of the group. Umupo ito sa harap niya at prenteng inilagay ang braso sa ulunan nito. Then the guy turned to her and and gave her his infamous heart stopping smirk.

“Kayo, gwapo? Saang banda? Hindi ko ata makita.” Balik niya rito as she took a bite of her black forest cake. Lihim na lang siyang napangisi nang makita niyang nakatingin sa cake niya ang mga timawa. Hmmm… maasar nga ang mga ito. And with that thought ay kumuha na siya ng isang maliit na slice ng cake at sinubo iyon. Then she took the cherry on top of the cake and nibbled on it.

“Hmmm… ang sarap talaga ng cake nila dito.” she said with bliss. Muli niyang nilingon ang mga lalake na noon ay nagkaniya-kaniya na rin ng upo sa mga bakanteng upuan. Hindi niya na napigilan at impit na siyag napatawa nang makita niya ang mukha ng mga ito. They were eyeing the cake with their mouths wide open. Kompleto na sana ang picture kung may tumutulo lamang laway mula sa naka awang na mga bibig ng mga ito.

“Jeez Reese, kailangan mo pa bang ipangalandakan na masarap iyang cake mo o talagang nang aasar ka na naman.” Roan muttered at kinuha nito sa kaniya ang tinidor at ang platito ng cake. “Penge ha?” anito at dali-daling linantakan ang kaniyang cake.

Napailing na lamang siya habang nakamasid sa mga ito na nag-aagawan na sa cake. They looked quite the picture, four grown up men who were equally attractive fighting over a measly amount of cake. Hindi rin nagpapahalata na patay gutom ang mga ito.

Napansin niyang napunta na sa table nila ang atensyon ng mga tao roon na karamihan ay mga estudyante rin na tulad nila. Kung ibang tao siguro ang na sa kalagayan niya, they would’ve prayed for the ground to swallow them whole but she was Clarrise Flair Bernardo. She had known these idiots since they were still in diapers. Alam niya na ang ugali ng mga ito pati na ang likaw ng ma bituka ng mg ito at masyado na siyang na expose sa mga ito para tablan pa siya ng hiya pag kasama niya ang mga ito.

Nang makita niya ang waiter na naglalakad patungo sa table nila ay alam na niya na kailangan na niyang pigilan ang mga ito. With a sigh ay tumayo siya at pinagpupukpok ang ulo ng mga ito at umupo. Sumunod naman ang mga ito at umupo na rin.

“Oh mga bata, ngayon at nagbehave na kayo, anong kailangan niyo at talagang pinuntahan niyo pa ako rito?” untag niya sa mga ito.

Mas tumahimik pa ang mga ito at nagkatinginan. Mukhang nagtutulakan pa ang mga ito kung sino sa kanila ang magsasabi ng balita.

Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon