Chapter Three

253 12 7
                                    

Chapter 3

TINIngnan ni Reese ang kaniyang repleksyon sa salamin. She was sporting a black dress that hugged her at the right places making her look sexy. Ang karaniwang nakatali na buhok ay ngayon ay nakalaguy at alon-alon. Topped with a smoky eyeshadow, pink blush on and lip gloss ay handa na siyang pumunta sa party.

 “Himala, nagmukha ka atang tao ngayon ate.”

Binalingan ni Reese ang kapatid na si Ylac na nakalabas ang ulo sa pintuan. “At ikaw ay mukha pa ring unggoy. Ba’t hindi ka pa nakabihis?”

“Madali lang naman magbihis. Unlike girls, it will only take me 5 minutes to get ready.”

“Oh, e ba’t ako ang kinukulit mo ngayon?”

“Actually makikisabay sana ako sa iyo.”

“Makikisabay?”

“Susunduin ko kasi si Krysha sa bahay nila. Since on the way naman iyon sabay na tayong umalis.”

“You’re going to ride with me in my car?” 

“Nope, you’ll ride with me in my car.”

“At pag andoon ka na kina Krysha? Don’t tell me ipag tataxi mo ako papunta sa club?”

“Anong akala mo sa akin sadista? Kahit naman papano kahit ganiyan ang itsura mo kapatid pa rin kita.” Tumawa lang ito nang batuhin niya ito ng nilamukos na tissue. “Kukunin lang natin si Krysha tapos ako na ang maghahatid sa inyo sa club.”

Tumaas ang mga kilay niya. Kailan pa ito at si Krysha naging close? Krysha was her friend and she knew that girl only thought of guys as her buddy. But she knew Ylac. Alam niya na hindi ito mahilig magpakita ng pag aalala sa isang babae and he would never offer a girl a ride to his car. Mataman niya itong tinitigan. 

“What?”

“Huwag mo akong ma-what-what diyan Ylac Kristoff Bernardo.” Sabay turo dito, “What are you up to?”

Kumunot lang ang noo nito, “Kilala kita little brother. You love your car too much to let anyone, any female to be exact, near it. And two, you don’t like showing girls any concern dahil takot ka na mang paasahin sila. So why the sudden gentlemanly act on Krysha? At sa lahat pa talaga ay kay Krysha pa?”

“She’s my friend.” Sabi nito, “And besides wala siyang sasakyan at kasama pumunta kaya nag offer na ako. Wala namang malisya doon. And you said so yourself, it’s Krysha. She would never think of it as a move on my part. Alam naman natin na kahit anong mangyari ay kaibigan lang ang magiging tingin niya sa akin.”

Somehow alam niya na hindi masaya ang kapatid niya sa sinabi nito. She could see the sadness and frustration in his eyes. Mukhang gusto nga nito ang rebel friend niya, pero makaya kaya nitong paamuhin si Krysha?

Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon