Capitulum 05

110 31 1
                                    

MEL was speechless.

Sinong mag-aakalang totoo pala ang mga alternate reality at kaya nating ma-access ito gamit ang isang specialized computer code? But then again, a lot of strange stuff happens on a daily basis, so she shouldn't be too surprised.

"My catalogue tells me this is reality AF-01000011. Sa reyalidad na ito, parehong sa St. Bernadette kayo nag-aral ng senior high school ni Evan. Here, instead of PolSci, ang pinili mong college course ay Microbiology. At dahil ulila ka na sa mga magulang, huminto na muna si Evan sa pag-aaral ngayong taon at nagtrabaho para matulungan ka sa tuition mo," sabi ni Link at isinara ang isang maliit na libro.

Napanganga naman si Mel sa kanyang narinig.

Kahit kailan, hindi niya naisip na kumuha ng Microbiology! If anything, she dislikes that field of study. Nakakamanghang isipin na may alternate reality palang ibang-iba ang landas na tinatahak mo.

Pero may isa pang nakapukaw sa atensyon ni Mel.

"Ulila na ako sa magulang?"

Nakakapanibago.

Sa reyalidad niya kasi, buhay pa ang nanay niya at abala pa ito sa maliit nilang negosyo. It's depressing to know that the Melinoe in this alternate reality doesn't have parents anymore.

Pero imbes na si Link ang sumagot, Even furrowed his eyebrows and held her hand. "Hindi ka nga pala nakarating sa libing ng nanay mo noong nakaraang buwan. Kaya ba parang balisa ka ngayon? I'm really sorry, love. I know how much you're hurting right now..."

Mel looked at his serene face. Bakas naman ang pagtataka sa kanya.

'Hindi ba niya nakikita si Link?'

"...nandito lang ako, Mel. I won't leave you, okay?"

Evan squeezed her hand.

Doon na tuluyang kumawala ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Agad niyang niyakap si Evan. She sobbed into his chest and embraced him. He patted her back and let her cry.

'But you left me...y-you died!'

Gustuhin man niyang isumbat na iniwan na nga siya nito...gustuhin man niyang humingi ng tawad dahil hindi na niya ito naabutang buhay sa ospital...gustuhin man niyang ikwento ang lahat ng napagdaanan niya nitong mga nakaraang araw, alam ni Mel na hindi pwede. Baka lalo lang itong mawirduhan sa kanya.

Because in this alternate reality, Evan didn't die in a car accident. None of that happened.

He's alive.

'And that's all that matters,' Mel tried to convince herself.

Pero nang magmulat siya ng mga mata, nakita niyang seryosong nakatingin sa kanila si Link. Soon, he snapped his fingers...

And she was back in her bedroom.

Alone.

Wala na ang air conditioning unit, yellow bed sheets, graduation picture, mga pagkain, at higit sa lahat...wala na rin si Evan.

"A-Anong nangyari?!"

Nang lingunin ni Mel ang kanyang laptop, bumalik na ito sa normal. Dahil sa kanyang pagkataranta, agad niyang sinubukang ulitin ang code. Pero bago pa man niya ito matapos, Link suddenly appeared beside her and closed her laptop.

"When I snap my fingers, you automatically go back to the reality you came from." He said.

Nanginginig na siya sa inis.

"At bakit mo naman ginawa 'yon?! Link, kasama ko na kanina si Evan! Everything was perfect!"

Ang akala ba niya nagpakita ito para tulungan siya. Kaya bakit naman nito sinisira ang kaligayahan niya? This doesn't make any sense!

Link just stared at her and sighed.

"Isang oras kang nasa alternate reality na 'yon."

"So?" She snapped.

He just calmly explained, "Kalahating buwan na ang nabawas sa buhay mo."

"A-Ano..?"

Tama ba siya ng dinig?

Tumango naman ang binata at muling naupo sa kanyang study table. Napalitan ng seryosong ekspresyon ang kaninang mala-anghel nitong mga ngiti.

"Like what I mentioned earlier, 'every action has its consequences'. May kapalit ang paglalakbay sa mga alternate realities, kaya hindi ko ina-advise sa'yong manatili ka nang matagal doon. Ito ang paraan ni Tadhana para ma-regulate ang pag-access ninyo. Sa bawat isang oras ng pananatili mo sa isang alternate reality, kalahating buwan ang ibabawas sa buhay mo. Doing the math, if you stay in an alternate reality for 24 hours, isang taon na agad ang bawas sa life span mo. Iikli ang buhay mo, Mel... A deduction to your mortality---that's the price of using Alt + RLT."

---

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon