Capitulum 11

73 18 0
                                    

MELINOE moved through the crowd and scanned the area. Lalo lang siyang nahilo. Para bang napapalibutan siya ng dagat ng mga taong abala sa kani-kanilang gadgets. They quickly crossed the road without taking their eyes off the screens.  
 
How was that even possible?

"Excuse me! Excuse me! May nakita ka bang...?"

Pero walang pumansin sa kanya. An elderly woman even scowled at her before quickly walking away.

Napabalik lang sa kasalukuyan si Mel nang ma-realize niyang mag-isa na lang pala siya sa gitna ng kalsada. The lights flashed red. Umalingawngaw ang nakabibinging busina ng mga sasakyan.

Everyone glared at her as if she wasn't suppose to be there.

'Well, in a sense, I don't even belong here!' She thought.

Nagmamadali siyang tumawid ng kalsada, kahit pa kamuntikan na siyang matapilok sa kanyang sapatos. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang takot ng dalaga. Her heart pounded inside her chest as she helplessly searched for Evan.

Dahil ibang-iba ang reyalidad na 'to sa Eastwood na kinalakihan niya, nahihirapang tukuyin ni Mel kung saan siya dapat pumunta.

She's lost.

"Evan?!"

She called out again, only to be greeted by the poker-faced civilians. Maya-maya pa, nabigla na lang si Mel nang lumapit sa kanya ang ilang lalaking nakatambay lang doon. The way they eyed her from head to toe made her uncomfortable.

"May maitutulong ba kami, miss?" One of them asked.

Mel tried to swallow the lump in her throat and nodded. "Hindi ko kasi mahanap ang boyfriend ko. Bigla na lang siyang nawala! His name is Evan. He was there a second ago but---Hmph!"

Her words became nothing more than muffled sounds. Hindi na niya napansin ang pasimpleng pagpwesto kanina ng isang lalaki sa kanyang likuran habang kinakausap niya ang kasama nito. Mel tried to break free and scream for help but the hand covering her mouth was almost too painful to bare.

Ngumisi ang kausap niya kanina. "Bakit hindi mo na lang kalimutan ang boyfriend mo at sumama ka na lang sa'min?"

'Mga manyak!'

Mahinang natawa ang mga lalaki at sinimulan na siyang kaladkarin papasok sa isang madilim na vape shop. Mel kicked and struggled but it was no use.

'N-No...please, no! A-Ayoko!'

Ngayon na lang ulit nakaradaman ng takot si Mel.

Kaya bago pa man siya mahipuan ng mga lalaki, with all her will power, she bit hard on the hand until she tasted blood. Napasigaw na lang sa sakit ang humahawak sa kanya at tuluyan na siyang pinakawalan. Mel took this opportunity to dash out of the building, not caring about how her feet ached while running. The purse that she was, unknowingly, holding a moment ago was long forgotten.

Ang mahalaga ay makalayo na siya sa lugar na 'to.

'Nasaan na ba kasi si Evan? I-I can't survive this place!'

Iniisip pa lang niya ang posibilidad na baka may nangyaring masama sa boyfriend, she wanted to break down again. Nakaka-trauma pala talagang mamatayan ng kasintahan. Hinihingal siyang nagtungo sa isang eskinita. Sweat dripped down her face, her dress was already damp. Pakiramdam niya ay bibigay na ang kanyang mga binti sa pagod.

"Crap... Ano nang gagawin ko?"

Nanghihina siyang naupo sa gilid ng basurahan at napayuko. 

There, she let the tears flow down her now pale cheeks, smearing her mascara.

Mukhang sa kahit saang reyalidad, hindi mawawalan ng mga demonyong nagbabalat-kayong tao.

Suddenly, she heard footsteps.

'N-Nasundan ba nila ako rito?!'

Takot niyang pinakinggan ang tunog. Pasimpleng naghanap ng pandepensa si Mel. Nang makita niya ang isang sirang lampshade sa basura, walang pagdadalawang-isip niya itong kinuha.

She mentally counted in her head and jumped out of her hiding spot, ready to smash the lampshade on the man's head when a hand caught her wrist.

"You had enough adventures for tonight, don't you think?"

Nang makilala niya ang boses, tuluyan nang nabitiwan ni Mel ang lampshade. Nagkapira-piraso ito sa kanilang paanan. Nang matitigang maigi ni Mel ang lalaki, another batch of fresh tears threatened to fall.

"L-Link..."

He doesn't look pleased.

Napalunok na lang si Mel. Ilang oras na ba ang lumipas? Paano ba siya nahanap nito? May kinalaman ba siya sa pagkawala ni Evan? Damn. So many questions ran inside her head. Sumasakit na ang ulo niya. Napapagod na siya. Pero pinilit pa rin niyang magsalita.

"Link, I can explain. S-Sinuway kita dahil---"

He pulled her close, almost cradling her.

"Let's argue about this later. For now, we need to take you home."

Noong una ay naguguluhan pa siya sa ikinikilos nito. Pero nang marinig na niya ang boses ng mga lalaking nangtangka sa kanya kanina, agad na natigilan si Mel. Hinahanap siya ng mga ito!

"Tumakbo 'yon dito!"

Bago pa man nila marating ang kinaroroonan nilang eskinita, Link snapped his fingers.

The whole world faded out of focus.

---

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon