Capitulum 06

110 21 0
                                    

SHE WOKE UP feeling lighter than usual.

Hindi matandaan ni Mel kung paano ba siya nakatulog kagabi o kung anong oras na siya humiga sa kama. Heck, she wasn't even aware she fell asleep after all the craziness she experienced!

Mag-isa na siya sa loob ng kanyang silid. Walang misteryosong nilalang na nagngangalang "Link" at wala ring anumang bakas na nakasama niya si Evan sa alternate reality na napuntahan niya.

'What did he call that reality again? AF-0100...? Ugh. Ilang alternate realities ba ang meron?'

Hindi maiwasang isipin ni Mel ang mga posibilidad. Sa pagkakaalam niya, alternate realities differ from one another. Maaaring sa isang reality, hindi siya nag-aaral. Maybe in another one, she's the queen of a century-old kingdom. In a more far-fetched once, baka ipinanganak siyang lalaki.

And that's the amazing thing about alternate realities.

They can be similar to yours, having only slight differences (tulad ng reality na napuntahan niya kagabi) or it can be entirely different. There's a million possibilities---endless possibilities!

Infinite.

At ngayong naiisip na ito ni Mel, para bang naiintindihan na niya ang sinabi ni Link.

"Evan is still alive...in other realities."

Somehow, that lessened the heart ache. Kampante na siyang malamang buhay pa rin ang boyfriend niya sa ibang reyalidad at may pagkakataon pa rin siyang makasama ito.

Ang tanong na lang ay kung handa bang harapin ni Melinoe ang kabayaran ng pagpunta sa mga alternate realities.

'Half a month of my life for an hour with Evan?'

She weighed the situation.

Nang dumako naman ang kanyang mga mata sa orasang nasa kanyang bedside table, agad nang bumangon si Mel at nag-ayos para sa pagpasok.

*

The Eastwood Central University is always bustling with students. Mel tried to keep her head down as much as possible dahil alam niyang laman pa rin ng mga usap-usapan ang tungkol sa pagkamatay ni Evan. Isa pa, naninibago rin siguro silang makita si Mel nang wala si Evan.

Mel and Evan.

Palagi siyang magkasama at alam ng kanilang mga batchmates ang relasyon nila.

Now, she hates how other students would look at her with pity. Mel brushed off the condolences they threw at her way.

"MEL!"

Pagkababa niya ng kanyang bag, agad siyang sinalubong ng isa sa kanilang kaibigan. Being the naturally clingy person that she is, Pia gave her a side-hug. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Grabe ka, girl! Pinag-alala mo kami. Ilang araw ka na bang di pumasok?"

Mel tried to remember. Anong petsa na ba ngayon? Crap. Hindi na niya maalala. Umiling na lang siya at pinilit ngumiti, "Uhh hindi ko na alam, eh. Marami na ba akong na-miss?"

Pia waved a hand dismissively. "Wag mo nang isipin 'yon. Alam naman ng teachers natin ang nangyari. Kinausap na rin namin sila at pumayag naman silang bigyan ka ng make up quizzes. Mabuti na lang malakas sa faculty si Ted! Hiramin mo na lang yung notes ko, kunin ko mamaya sa locker."

Mel smiled gratefully and sat down.

Sa kabila ng lahat ng trahedyang nangyari sa buhay niya, laking pasasalamat niya't may maaasahan siyang mga kaibigan. It suddenly made her feel a bit guilty for ignoring their messages.

Bago magsimula ang kanilang first period, kinuwentuhan siya ni Pia ng mga nangyari sa campus nitong nakalipas na linggo. Samu't saring mga tsismis at kalokohan ang ibinahagi niya. It turns out, Mel's been absent for a week.

'Crap...isang linggo na pala?'

Well, time flies when you're grieving your boyfriend's death and trying to cope with the heart ache.

Ilang sandali pa, tinanong na ni Pia ang kaisa-isang tanong na ayaw na niyang marinig ngayong araw...

"Okay ka na ba?"

Pia hesitated, but asked anyway. Mel knows that she sincerely wants to check up on her, pero hindi niya pa rin naiwasang makaramdam ng kirot. Nang hindi siya kumibo, napabuntong-hininga na lang si Pia bago bumalik sa kanyang upuan, just in time as their professor waltzed in.

Class started.

Pero hindi pa rin maiwasang sulyapan ni Mel ang bakanteng upuan sa kanyang tabi.

Without Evan, her life will never be the same again.

*

"I see you've made your decision."

'Yan agad ang bungad sa kanya ni Link nang makauwi na siya sa kanyang apartment. Nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama at abala sa pagbabasa ng isang magazine na malamang ay nahanap nito sa ilalim.

She set down her backpack and remarked, "I see you've been waiting for me. At paano mo nalaman ang desisyon ko?"

Link grinned at her. "Secret! And yeah, binigyan lang muna kita ng oras makapag-isip. Sinabi sa'kin ni Tadhana. He told me humans take a longer time to make a decision---which is also the reason why most of us lose a lot of life-changing opportunities, but anyway..." He gestured to her laptop that was still on her study table.

Hindi na siya nag-abalang kumain at mabilis na pumwesto sa tapat nito.

"Sigurado ka ba rito, Mel?"

She smiled. Buo na ang kanyang desisyon.

"Losing a few years of my life for a few hours of happiness is worth the risk, Link."

"Paano ka makaka-move on?" He crossed his arms over his chest.

"Hindi ko na kailangang mag-move on."

"Pero kapag naubos na ang oras na sisingilin sa'yo, you'll cease to exist."

"That doesn't sound half as bad as not living with Evan." She joked.

He sighed. "Fine, but don't say I didn't warn you. Hihilahin na lang kita pabalik kapag napansin kong masyado nang matagal ang pananatili mo sa isang alternate reality."

"Oo nga pala. Err... It's not like I'm complaining or anything, pero bakit mo nga pala ako tinutulungan?"

Nag-iwas ito ng tingin. "I have my reasons."

Reasons?

Imbes pasakitin pa lalo ni Mel ang kanyang ulo sa pag-iisip, she just let it slide and turned her attention to her laptop.

Alt + RLT

---

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon