Capitulum 13

74 23 0
                                    

SHE WAS physically present but her mind was consciously absent. 

Lutang na tinapos ni Mel ang essay na pinapagawa sa kanila ng kanilang propesor. A five-hundred word essay, but in those five hundred words she's not really sure how much of it makes sense.

'Four years, huh?'

Hindi niya maiwasang alalahanin ang sinabi sa kanya kagabi ni Link. Para bang ngayon lang nagsi-sink in sa isip ni Mel ang kahulugan nito.

One week of happiness already taxed her four years of her life.

Wala siyang pinagsisisihan.

Sa isang linggong 'yon, nakasama  naman niya si Evan, sa iba't ibang bersyon ng reyalidad. Naaalala na naman niya ang unang beses na ginamit niya ang Alt + RLT short cut. Nang makilala niya si Evan sa alternate reality na 'yon, sinabi ni Mel sa kanyang sarili na iyon ang Evan niya.

Now, she's having doubts.

Yes, he's Evan but at the same time, he's not.

Ang gulo.

'It's the little things that makes him a bit more different...like he's a slightly different person,' Mel thought. Siguro nga hindi "iisang tao" ang mga counterpart natin sa ibang reyalidad.

Sa di-kalayuan, ilang upuan ang layo sa kanya, nakita niyang sumulyap sa kanya si Pia. Nakangiti at kumakaway.

Mel forced a smile and hesitantly waved back.

Remembering the "other Pia" last night, Mel knew it only proved her point. Posible nga sigurong magkakaiba pa rin ang iisang tao sa iba't ibang reyalidad na nabibisita niya. But despite everything, Mel also knew that all the Evans she met so far---her original Evan, the sweet Evan, the musician Evan, the CEO Evan, the sailor Evan, the athlete Evan---she loves them all.

She loves them because they are still Evan.

And no matter how many alternate realities she'll meet him in, hindi na nga siguro magbabago ang nararamdaman niya para rito.

*

Pagkatapos ng kanyang mga klase, dumiretso ng uwi si Mel. Inaaya siya kanina nina Pia at Ted na mag-milktea, pero agad niya itong tinanggihan.

Bukod sa wala pa siyang ganang makipag-socialize sa kanila, gusto na lang niyang umuwi at buksan ang kanyang laptop.

The emptiness is still there.

Ting!

That's when she heard her notification tone. 'Sino naman ang mag-aabala pang mag-text sa'kin?' Napahinto sa paglalakad si Mel at tiningnan ang screen ng kanyang cellphone. Lalo lang siyang naguluhan nang makitang ang nanay pala ni Evan ang nag-text sa kanya.

From: Tita Ethel
( + 6390817... )
 
Nak, pede k bang punta d2 sa Sat?

Guilt clawed her chest.

She's probably just seeking comfort.

Kung mayroon mang mas naapektuhan sa pagkamatay ni Evan, 'yon ang kanyang sariling ina. Nakokonsensiya si Mel. While his mother was still grieving the loss of her son, heto siya at naglalakbay sa mga alternate reality para makasama pa ito.

It just doesn't feel right. She feels selfish.

Pero gustuhin man niyang sabihin kay tita ang tungkol sa alternate realities at turuan siyang gamitin ang code para makasama niya ulit si Evan, a part of her didn't want to.

'Mababawasan pa ang buhay ni tita...she's already old. I'm sure Evan wouldn't like that.'

She typed her reply.

To: Tita
( + 6390817... )

Tita sorry po huhu may project po kc kaming gagawin sa Sat :((

Sent.

Before she could feel guiltier, agad na ibinulsa ulit ni Mel ang kanyang cellphone.

There, she noticed someone leaning against a lamp post. His odd white jacket stood out in the dull colored street. Syempre, hindi naman ito mapapansin ng mga dumaraan. Siya lang naman ang nakakakita sa lalaking 'to.

"Are you here to tell me how many years I have left? O baka naman assistant ka rin ni Kamatayan at sinusundo mo na ako?"

Mabuti na lang talaga at walang tao sa paligid. Kung hindi baka pagkamalan pa siyang baliw.

Link raised his head, and Mel was caught off guard when he smiled.

"None of the above. I'm actually here to walk with you until you accept my apology."

Napangiti na lang si Mel. Nakakatawang isipin na sa gitna ng kaguluhang ito, nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ng officer ni Tadhana.

"Then it's gonna be a long walk, Link."

---

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon