Capitulum 10

78 20 0
                                    

SA KALAHATING oras ng pananatili ni Mel sa alternate reality na ito, she already discovered three important facts. 

First, her Evan in this reality is actually the CEO of whatever company (his family probably owns a business here). Second, he seldom takes her out on a date like this, base from the way he acts and the time he spends on the phone. And, lastly, he's allergic to seafood.

Kaya nang akmang susubuan na niya sana ito ng buttered shrimp, he immediately stared at her in disbelief. Tuluyan nang naagaw ang atensyon mula sa kanyang telepono.

"Mel, gusto mo na ba akong mamatay?" He half-joked, even though there's a hint of frustration in his voice.

Mamatay.

Agad siyang kinabahan nang marinig ang salitang 'yon. Mabilis niyang ibinaba ang kubyertos nang ipinaliwanag sa kanya ni Evan ang kanyang allergy. Embarrassed, lowered her head and mumbled, "Sorry, I-I forgot."

'Malay ko bang may allergy ka pala dito? In my reality, shrimps are your favorite!'

Sa kabila ilang beses na niyang nakasama si Evan sa mga alternate realities, hindi niya pa rin maiwasang magulat sa maliliit na pagkakaibang napapansin niya. But that's the point of having a million versions of yourself, right? You're still the same person, but at the same time, you're not.

It makes her wonder...

"Mel, are you even paying attention to me?"

She snapped her head to his direction. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mapansin ang iritableng ekspresyon ni Evan. Tila ba tuluyang nagbago ang mood nito.

"I'm sorry. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?"

Evan sighed.

"Ang sabi ko baka ipahatid na lang kita pauwi. May hinihingi kasing reports si papa, kaya kailangan ko pang daanan sa opisina."

"Oh."

She lowered her head again, feeling disappointed. Something was telling her that this wasn't the first time she was disappointed in him. Para bang may maliit na boses sa kanyang isipan na nagsasabing palagi na lang siyang nawawalan ng oras sa kanya. At bago pa man mapigilan ni Mel ang kanyang sarili, the words already left her mouth...

"Minsan na nga lang tayong magkasama, hindi mo pa ako mahatian ng oras mo. You've been working 24/7 and sometimes I forget we're in a relationship at all!"

Damn. Where did that come from? Hindi kaya nararamdaman din niya ang emosyon ng Mel sa alternate reality na ito?

Well, it doesn't matter anymore. Tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ni Evan. Nakasimangot na ito sa kanya.

"Babe, alam mo namang para sa ating dalawa rin ito, eh. Ilang beses ko na 'tong kailangang ipaliwanag sa'yo? I'm working for our future...for us."

He tried to reach her hand again, but this time, even Mel was surprised when she pulled away.

Agad siyang tumayo at nagpaalam na pupunta lang sa restroom. Dali-dali na niyang iniwan ang kanyang boyfriend. Ramdam niyang sinusundan pa rin siya nito ng tingin.

*

Somehow, she was hurt.

'Ako ba talaga ang nasasaktan o ang other Mel?'

Naguguluhan na siya. Posible nga kayang naa-adapt pa rin niya ang ilang bahagi ng kanyang pagkatao tuwing maglalakbay siya? Nakakasakit ng ulong isipin. Huminga nang malalim si Mel at tinitigan ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Bukod sa pananamit at sa maliit na tattoo sa kanyang pulsuhan, wala namang masyadong nagbago sa kanya.

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon