Capitulum 18

70 24 7
                                    

SHE CAN'T remember if Link mentioned anything about side effects.

Mayroon ba? Damn. Nakalimutan na niya.  
 
Nagising na lang si Mel na halos hindi na siya makatayo sa sama ng kanyang pakiramdam. Noong una ay akala niya lagnat lang, pero nang gumamit siya ng thermometer, nakakapagtakang normal ang reading. Still, she managed to drag herself out of bed and walk to school.

But despite the warm rays of sunshine against her skin, Mel still felt cold.

'Ilang taon na lang ba ang itatagal ko sa mundo?'

Hindi niya maiwasang isipin ang kanyang katapusan. Naaalala niya ang sinabi sa kanya noon ni Link, na kapag naubos na ang kanyang oras, she'll "cease to exist". Oddly, the thought of dying or permanently vanishing from this reality doesn't scare her as much as it was suppose to.

Ano nga naman ang saysay ng buhay niya kung wala naman dito si Evan?

"Mel?"

Melinoe raised her head to the voice. For a moment, she was expecting someone else to call her. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita roon si Pia. Mel instantly hated the look of pity in her eyes.

"Mel, ayos ka lang ba? Lalo ka yatang pumapayat... Kung gusto mong sumabay sa'min ma---"

"I'm fine, Pia."

Mel responded nonchalantly and walked passed her. Wala siyang oras para makipag-usap sa kahit na sino. Mas mabuti nang simulan na niyang lumayo sa kanila. At least this way, they won't have to mourn for her at her funeral. She's gonna die anyway, right?

Kaya ganoon na lang ang gulat ni Mel nang bigla siyang hinigit sa braso ni Pia.

"Mel, alam ko namang hindi ka pa rin maka-move on kay Evan. I know you're still hurting. Heck, all of us are! Pero sa tingin mo ba matutuwa siya sa ginagawa mo? Sa tingin mo gugustuhin niyang pinapabayaan mo ang sarili mo?!"

Marahas niyang binawi ang kanyang braso at sinamaan ng tingin si Pia.

"Wala kayong alam! Hindi na dapat kayo nakikialam sa buhay ko, Pia! This is bullshit. You don't even know half of the pain I'm going through right now!"

"Then let us know! Paano ka naman namin madadamayan kung ni hindi mo man lang kami kinakausap? You keep pushing us away! Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa mga nangyari, Mel!"

Sa pagkakataong ito, pinagtitinginan na sila ng iba pang estudyante. Huminga nang malalim si Pia, pilit pinapakalma ang kanyang sarili. "Mel, please.. Just share your burden with us. Hindi makabubuti sa'yo ang kinikimkim mo lahat nang mag-isa."

Napailing na lang si Mel. Ramdam niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"It's too late now."

And with that, she walked away. Hindi na niya pinansin pa ang mga text messages ng kanyang inang ilang araw nang nag-aalala sa kanyang kalagayan at ang missed calls ng nanay ni Evan. Wala na siyang pakialam. The emptiness was beginning to corrupt her, and the longer she clings on to the pain, the deeper she digs her own grave.

Mel just wants to escape this reality and be done with.

*

She skipped classes.

Again.

At sa pang-limang pagkakataon mula nang mapagdesisyunan niyang magtago sa library ng ECU, muli na naman niyang nai-decline ang tawag ni Tita Ethel. Tuluyan na siyang nawalan nang ganang makipag-usap sa kahit na sino. Nakatitig lang siya sa huli nitong mensahe sa kanya....

From: Tita Ethel
( +6390817... )

Nak ok k lng ba? Tnawagan aq ng mommy mo.. Ilng araw k na daw d nagpparamdam.... Kung gusto mo daan k d2 sa bhay mmaya. May need din aq sabihin sayo.

As rude as it seems, Mel turned off her phone.

Dahil hindi niya dala ang kanyang laptop, she settled for the library computer at the corner of the room. Mabuti na lang at wala nang estudyanteng nakatambay rito. Ang librarian naman ay abala sa ginagawa nitong inventory.

Nang makaupo na roon si Mel, wala na siyang inaksayang panahon at ginamit ang computer code...

A still blinding burst of light.

A still dizzying vortex.

A still broken heart.

This time, Mel succumbed to the feeling of helplessness. Namalayan na lang niyang nakatayo na siya pinto ng kanilang condo. Napangiti na lang si Mel. Kung tama ang reyalidad na napili niya, this is the alternate reality with the CEO Evan. She could use a bit of his spoiling to cheer her up. Huminga siya nang malalim.

Dumako ang mga mata niya sa hawak niyang regalo.

'At nakakatawang isipin na anniversary rin pala namin dito.'

But as cliché as this whole scenario is, tuluyang natuod sa kanyang kinatatayuan si Mel nang makapasok na siya sa loob. She wasn't expecting to see Evan half-naked on the couch with another girl.

And hell, she wasn't expecting to see Pia there as well.

"E-Evan...?"

Aksidente niyang maibagsak ang regalo. Wala na siyang balak pang alamin kung ano 'yong nabasag sa loob nito. Nabulabog naman sina Evan at Pia. Natataranta. Sinubukan siyang lapitan ni Evan. Sinubukan niyang magpaliwanag. But it's fucking hard to concentrate on a word he's saying with all the hickeys on his neck

Noong mga sandaling 'yon, biglang lumitaw si Link sa kanyang gilid.

Isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi.

Just then, the memory of what he said while they were in the carriage haunted her...

"W-What the heck are you talking about?"

His eyes were pleading her to understand something.

"Mel, may kailangan kang malaman..." Napabuntong-hininga noon si Link, na para bang hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa kanya. "Mel, hindi aksidente ang pagkamatay ni Evan sa reyalidad mo. Namatay siya dahil naubos na ang kanyang life span... Yes, he travelled to the alternate realities, too. Sinubukan ko siyang pigilan, pero palagi niyang sinasabi na may tinatakasan siya sa kanyang reality."

"A-Ano...? No...no, that can't be. What the fuck, Link? Imposible 'to! At isa pa, ano naman ang tinatakasan ni Evan sa reality namin na kinailangan niya pang ubusin ang buhay niya sa alternate realities?"

Link flashed an apologetic smile.

"Ikaw."

---

✔ Through Alternate RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon