TGFH 5

101 8 1
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII



TGFH 5



[ Honey's POV ]



Pinagpapawisan na ako nang malamig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ba naman kasi, kanina pa nagba-vibrate yung cellphone ko. Paano ko sasagutin yung tawag kung nandito yung teacher namin  ?



Flashback



" Baby sis, hindi ka masusundo ni Kuya mamaya ha ? Busy kasi ako. Puno pa yung schedule ko. " naka pout si Kuya habang sinasabi niya yun.



" Okay lang kuya. " nginitian ko siya. Kasabay ko naman sila Potchi eh. Magta tricycle na lang ako pauwi. Nagba bye na ako kay Kuya at tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.



" Oo nga pala baby sis ! Kahit hindi kita masusundo mamaya, si Zean naman maghahatid sayo sa bahay. " kung gaano ako kabilis tumalikod sa kanila, ganoon din ako kabilis humarap sa kanila nung marinig ko yung sinabi ni Kuya.



Tinignan ko si Kuya, pagkatapos si Zean. Hawak ni Zean yung cellphone niya at may ka text yata. Kahit wag na niya akong ihatid ! Okay lang sa akin ! Bigla kong naramdaman na nagvibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko.



090822119***


Pag tumawag ako mamaya, sagutin mo kaagad. Lagot ka sa akin kapag hindi mo nasagot.



" Ay oo nga pala baby sis, binigay ko yung number mo kay Zean. "

Nanlalaki yung mata ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.



" Baby sis, okay ka lang ba ?! " concern na tanong ni kuya.



Nag-angat ako nang tingin kay Kuya, sumunod akong tumingin kay Zean. He had a smug look on his face.



" Bye baby sis ! " nag wave pa si kuya sa akin.



" Goodbye, Honey ! " sabi ni Zean in a singsong way.



" answer it ! Or you'll have to pay the price. " he mouthed and then he smirked. Siyempre hindi yun nakita ni Kuya dahil nakatalikod siya kay Zean.

The Guy From Hell (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon