TGFH1

222 9 0
                                    

A/N: Second story ko po ito :) Salamat sa nagbabasa at mga magbabasa pa. Love you ! Hahaha !

-----------------------------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

TGFH 1

[ Honey's POV ]

Pagkatapos na pagkatapos nang klase namin, lumabas kaagad ako. Paano ba naman kasi, nakalimutan ko na mag o-audition pa pala sila Potchi, Olay at Aniel. Napakamakakalimutin ko talaga. Dahil sa pagmamadali ko, hindi na ako nakapag paalam kay Vienne, isa siya sa mga bestfriend ko bukod kila Potchi.

Ako nga pala si Honey Love Ricaflor. Isang simpleng babae. Maganda naman ako kahit papaano, pero palaging napapasabak sa kamalasan ang beauty ko. Tama na muna ang introduction dahil papatayin na ako nung mga baklush na naghihintay sa akin.

Tumakbo ako pababa ng hagdan. Mahigit twenty five minutes late na ako. Nung makarating ako sa gate, nakasambakol yung mga fez nila at parang ready nang pumatay ng taong lalapit sa kanila.

" Hi mga friends ! " kumaway pa ako sa kanila. Napalunok naman ang beauty ko nung makita kong masama yung tingin nila sa akin. My gahd ! Dinasalan ko lahat ng santong kilala ko nung makitang papalapit sila sa akin.

" Bakit ngayon ka lang ?! Ang portugal mong bruha ka ! " lumapit naman si Olay sa akin at sinabunutan yung hairlalu ko ! Napasimangot na lang ako.

" Ano ?! Magwa warla na lang ba kayo o gogora na tayo sa audition ?! " mataray na tanong ni Potchi sa amin. Nagkayakap-yakap kaming tatlo nila Olay at Aniel. Nakakatakot talaga si Potchi.

Pumara kami ng taxi sa harap ng academy at nagpahatid sa paggaganapan ng audition. Ginanap yung audition sa isang parking lot ng mall.

" Mga baklush ! Mag bihis na tayez. Fifteen more to go at tayo na ! " excited na napatalon si Olay.

" Hintayin ko na lang kayo dito. " sabi ko na hindi pa rin inaalis yung tingin sa nagpe perform sa stage.

" Anong wait ?! May costume ka din no ! " hinila nila ako papunta sa cr ng babae at shinove sa kamay ko yung isang plastic. Excited naman silang pumasok sa cr ng boys dahil makakasilip na naman daw sila ng birdie ng iba.

Nung makapasok na ako sa isang stall, inilabas ko sa plastik yung costume. Halos sumayad yung panga ko sa floor tiles nung cr. Napatingin ako sa costume. Mahabaging diyos ! Susuotin ko ba talaga ito ?! 

Isa itong bunny costume. Sinukat ko yung costume. Gusto kong umiyak. Hiyang-hiya yung dibdib ko ! Bumababa yung costume ! Parang sa sunglasses lang. Pag Pango ka, dadausdos yung salamin.

Pinag-iisipan ko kung lalabas ba ako ng stall. Paano kapag pinagtawanan ako nung ma taong nandito sa cr ? Alam ko na ! Kinapa ko yung suot kong jeans kanina at kinuha yung panyo na nasa bulsa. Itinali ko yun sa mukha ko na yung mata lang yung kita. Parang ang sagwa !

The Guy From Hell (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon