TGFH 3

111 10 3
                                    

A/N: Dedicated sa bestfriend kong super supportive na si INSPIRITEUNJAE.

---------------------------

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

TGFH 3

[ Honey's POV ]

Pilit kong inaabot sa bedside table yung cellphone kong kanina pa tumutunog. Ayaw ko sanang sagutin eh ! Kaso nakakarindi na! Sinisira pagmo moment ko eh !

" Hello ? Sino ito ? " hindi ko na tinignan kung sino yung caller.

" Hello ? " tinignan ko kung sino yung caller pero puro number lang. Nanti trip ba itong taong to ?! Aba !

" Walanghiya ka ! Kung magti trip ka ha ayus-ayusin mo ! Kakatayin kitang lecheng piranha ka ! Wag ka nang tatawag sa akin forever and ever ! " pinatay ko na yung phone ko at nag resume na sa pag-iyak.

Alam mo yung tutulo sana yung luha mo, pero dahil sa lecheng tawag nang tawag na yan, nahihinto yung pagbagsak ng luha ko ! Bakit ba napaka malas ko ?! Nakakainis na eh ! Tutulo na yung luha ko. Pabagsa---

Ring Ring Ring

Ay Shuta ! Bastusan talaga ?!

" Wag kayong makulit ah ! Sino ba kayo ha ?! Sagot bilis ! " ngongo pa pagkakasabi ko niyan dahil puno na ng sipon yung ilong ko.

" Anek ba yan gelay ?! Nabasag ang beautiful eardrums ko ! Nakitawag lang kami dito kay kuyang pogi na malaki ang muscle--- " nakitawag lang pala nakipag telebabad pa.

" Oh ! Anong kailangan niyo ?! " mataray kong tanong kay Olay na dahilan para maputol yung sinasabi niya.

Dapat taga cheer lang ako eh, tapos naging katatawanan pa ako. Talagang tawa talaga nang tawa yung mga tao nung ipalabas yung clip nung nag audition ako. Halos magkatanggal-tanggal na nga pustiso ni Lolo at Lola dahil sa kakatawa. Yung kuya ko naman, muntik nang malaglag sa bangkuan.

" Nakita mo na ba ?! Ha ? " nakita yung ano ? Pinunasan ko yung sipon kong nagbabadyang mag bungee jumping.

" Ha ? Sabihin mo nga kung ilang katol at tinta ng ballpen ang tinira mo ?! " bugnot na tanong ko kay Olay.

The Guy From Hell (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon