TGFH 4

118 7 1
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

TGFH 4

[ Honey's POV ]

" K-kuya ! Anong ginagawa ni Zean dito ?! " hindi ko na pinansin yung sipon ko na tumutulo. Na starstruck ako sa kagwapuhan ni Zean.

First time pa lang siyang ipakilala ni Kuya sa akin. Masyado kasi silang busy at marami rin silang upcoming projects. Kaya ito ako ngayon, nakanganga !

" Baby sis ! Nakalimutan mo na ba ?! Birthday mo ngayon ! This is my gift for you ! Si Zean ! " oo nga no ! Birthday ko nga pala ngayon.

" Uh..... yung sipon mo tumutulo. " iniabot sa akin ni Zean yung handkerchief niya. Inagaw ko sa kamay ni Zean yung panyo at kunyaring ipinunas sa sipon ko.

Masyado itong precious para ipunas lang sa uhog ko no !

" Thanks.... " yumuko ako para kunyari mahiyain. Anebeyen......

" O sige baby sis, magbibihis lang si Kuya ah. " kumaway lang si Kuya sa aming dalawa at patakbong lumabas ng kwarto ko.

Tinititigan lang ako ni Zean. At maya-maya, bumunghalit ito nang tawa. Nakatanga lang ako sa kanya. Yung tawa niya, parang hindi abot sa mata niya. Parang kahit na tumatawa siya, parang hindi siya masaya.

" Okay lang yan. Pwede kang umiyak kung gusto mo. " lumapit ako kay Zean at niyakap ko siya habang tumatawa siya. Nilaro-laro ko pa yung buhok niya.

Aba ! Tsansing din ito no ! Hinding-hindi ko ito papalampasin ! Once in a lifetime lang ito beybe !

" Ha ? Anong sinasabi mo ? " hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at inilayo ng konti sa katawan niya dahilan para matanggal yung pagkakayakap ko sa kanya.

" Yung ngiti mo kasi, parang hindi totoo. Parang malungkot ka. " titig na titig lang ako sa mukha niya. Natigilan si Zean habang nakatingin sa akin. Tapos bigla siyang ngumiti. Yung ngiti na parang pati yung mata niya masaya. Yung ganun.

Thump thump thump !

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang nagwawala yung puso ko sa loob ng ribcage ko. Itinapat ni Zean yung mukha niya sa mukha ko. Ang pogi niya talaga !

" Okay ka lang ba ? " he caress my face. Kinikilig yung buhok ko sa kili-kili ! Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

" Oo nga pala. Happy birthday ! " masiglang bati niya sa akin.

May kinapa siya sa bulsa niya at nung mailabas niya yun, inabot niya sa akin. Cellphone ? Regalo niya ? OMG !

" HAPPY BIRTHDAY HONEY ! " napalunok ako nung tumingin ako sa kanya. Parang evil yung itsura niya, pero bigla ring nawala yun at napalitan nang matamis na ngiti.

Itinuon ko yung tingin ko sa cellphone. Biglang may nag play na video. Napatingin ako sa kanya. Naka evil smile siya. Nakakatakot yung itsura niya.

May countdown yung video. 3....2.....1 at nagsimulang mag play yung video. Hindi ko maialis yung tingin ko sa cellphone. Yung video ko nung nag audition ako ! May alam ba siya ?!

Baka ipinapanood lang niya ito sa akin. Tsaka walang tao sa parking lot nun ! Hawak ko pa rin yung cellphone kahit tapos na yung video. Yung next video naman yung nag play.

Mga picture ko ! Mula sa pagkakakuha, parang nasa loob ng kotse ! Oh my god ! Napatingin ako sa kanya at naka smirk siya. Siya yung may ari ng Lamborghini na pinagtripan ko ?!

" HAPPY BIRTHDAY, HONEY ! Nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo ? Hindi ko akalain na kapatid ka pala ni Bran Josue. Mas napadali yung paghahanap ko sayo. " yung tingin niya talaga nakakatakot !

" Anong kailangan mo sa akin ?! Pera ba ?! " ikakalat niya ba yung video ko ?

" Nah ! Hindi ko kailangan ng pera. Marami ako nun. " walang gana nitong sabi at umupo sa kama ko.

" Eh anong gusto mo ?! " tinignan ko siya sa mata.

" Ikaw. I want you. " yung tingin niya parang matutunaw ako. A-ako ?! Bakit ako ?!

" Hindi ba pwedeng iba na lang ? " kinakabahan kong tanong sa kanya sabay hawak sa balikat niya.

" Nope. Gagawin mo o kakalat yung video mo ? Yun lang naman pagpipilian mo. Mag decide ka na. Ngayon ! " tumayo ito at naglakad-lakad sa loob ng kwarto ko.

" Wag mong ikalat ! Sige ! Gagawin ko na ! " hinawakan ko yung braso niya para humarap siya sa akin.

Gusto kong umiyak. Bakit nangyari to ?!

" Okay lang yan. Pwede kang umiyak kung gusto mo. " lumapit siya sa akin tapos niyakap niya ako. Buysit ! Ginaya niya yung ginawa ko kanina !

" Wag mong sabihin ito sa Kuya mo kung ayaw mong kumalat yung picture mo. " diniinan niya pa yung hawak sa balikat ko.

" Tapos na ako ! Anong ginagawa niyo ?! Hoy Zean ! Lumayo ka sa baby sis ko ! " parang batang sabi ni Kuya kay Zean sabay tulak kay Zean.

" Tsk ! Niyayakap ko lang kapatid mo para batiin ng happy birthday. " tumingin sa akin si Zean at nag smirk.

" Halika na baby sis ! Hatid ka na namin sa school bago kami pumunta sa agency. " nauna nang bumaba si Kuya. Nahuli naman kaming dalawa ni Zean.

Hinigit niya ako papalapit sa kanya.

" Welcome to hell, MY kitty. " sabay halik sa noo ko.

Naiwan akong nakanganga at hinawakan ko yung noo kong hinalikan ni Zean.

Hell nga ba ? O heaven ? Kyaaa ! Kinikilig yung kaluluwa ko ! 

----------------------------------
A/N: Ginawa ko lang to habang nagle lecture yung prof namin. Hahaha ! Adik ako eh !

The Guy From Hell (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon