TGFH 2

139 11 2
                                    

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

TGFH 2

[ Honey's POV ]

Sa loob nang isat kalahating oras, sa wakas ! Natapos na rin yung paghihintay namin ! Sila Potchi na yung sasalang sa audition. Nandito kami ngayon sa backstage at excited na excited talaga sila Potchi.

" Standby. " sabi nung isang staff nung talent show.

Bigla namang nagtilian yung mga nanunuod sa labas. Napasilip tuloy kami nila Potchi kung sino. Halos magtatalon kaming apat nung makita namin kung sino ! Si Zean lang naman ! Ang idol naming apat ! 

" OMG ! Gagalingan ko talaga ! Nanunuod si Fafa Zean my loves ! " sigaw ni Potchi.

" Hello ! " kumaway si Zean sa mga nag o audition at sa mga nanunuod. Ang lakas nung mga hiyawan nila. Para siyang isang greek god na naglalakad sa lupa. Pumunta ito sa judges panel at umupo na. Lumabas na ulit yung host nung show.

" At ngayon naman, ang next na magpe perform ay ang a-ano ? S-sexy girls d-daw. Lets enjoy their performance ! " hindi maipinta yung mukha nung host habang nakatingin kila Potchi.

Lumabas na sila Potchi. Meron naman silang maskara kaya hindi makikita yung mukha nila. Nag start nang tumugtog yung kanta. Todo bigay sila at ang gagaling talaga nila ! Kahit akong nasa backstage, napapapalakpak dahil ang ganda talaga ng performance nila ! 

Nung matapos yung kanta, nakatanggap ng masigabong palakpakan sila Potchi at standing ovation mula sa mga manonood. Nakakatuwa yung mga sinasabi ng judges sa kanila. Puro positive lahat ! Hindi katulad kanina, puro pang o okray ! Proud na proud ako dahil mga kaibigan ko sila.

" A-ate ! " may kumalabit sa akin. Liningon ko naman. Parang binigwasan yung itsura ni ate at namumutla.

" Bakit ? " nagtatakang tanong ko sa isang kasama ni ateng namumutla.

" Pakihawakan naman. Sasamahan ko lang siya sa CR. Sandali lang kami. " inilagay ni ate sa kamay ko yung number nila. Nagsimula na silang maglakad papalayo.

" Bakit naman kasi tuwing mag o audition tayo, ganito nangyayari sayo ? " narinig kong kausap nito sa kasama nito.

Para lang akong tangang nakatingin sa number nila ate na nasa kamay ko. Mahigit ten minutes ko na yata silang hinihintay, wala pa rin sila.

The Guy From Hell (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon