KONTI LANG PO ITO :)
Syempre bata pa ako nito, marami na kagad ako ka-pbb teens?
Wala pa. Aalamin natin kung paano nga ba,o paano ko nga ba nalaman ang salitang 'crush'.
======================================
Grade 1
Omnicient / 3rd POV.
Ano nga ba meaning ng crush? tanong sa isip ng batang si Arianne.
Marami kasi nagsasabi sa kanya na crush daw sya ni ganito ni ganyan. Pero wala naman sya ka ide-ideya kung ano nga ba meaning nun?
" uy Arianne crush ka nito oh! " Turo ng isang kaklaseng lalaki at tinulak pa ang kaibigan papunta sa batang si Arianne.
" Ano ba! " ang sabi ni Arianne nung natamaan sya ng lalaking kaklase na hindi na nya matandaan pa ang pangalan.
" Crush ka nyan " pangungulit na sinabi ng kaibigan nung lalaki.
" Oo crush kita " ulit pa ng nagkakacrush.
" Eh? " ano ba meaning ng crush?
Naghiyawan ang mga ibang kaklase sa biglang pag-amin ng batang lalaki.
Yung iba tinutulak pa at kinukurot sa pwet ang kaibigan nila.
Ang kaibigan naman ni batang Arianne ay naghihintay sa magiging sagot nito.
" C-crush din kita? "
At biglang nagsigawan at naghiyawan sa loob ng classroom.
Sa gulat at sa saya , nayakap ni batang lalaki si batang Arianne ng mahigpit.
Wala naman ka ide-ideya padin si batang Arianne sa pangyayare.
Ano ba meaning ng sinabi nya? Aba hindi nya alam.
" Salamat! " sabi ni lalaking nagkakacrush.
Yumuko nalang si batang Arianne bilang pagsagot.
Umalis na si lalaking nagkakacrush at ayun nakipag party na sa mga kaibigan . Hindi maiipinta din ng mga ito ang maging masaya para sa kaibigan.
Walang kamalay malay na nakatayo padin at naguguluhan sa nangyayare si batang Arianne.
" Arianne crush mo talaga si tootoot? " tanong ng kabigan ni batang Arianne.
" Ah? " napalingon si batang Arianne sa kabigan. " Ano ba meaning ng crush? "
Nagulat sa tanong yung kaibigan , sasagot na sana kaso biglang may sumingit.
" Crush ibigsabihin crush mo sya.! " singit ni bully one.
Sinimangutan naman ni kaibigan si bully one at tumingin ulit kay batang Arianne, " wag kang makinig jan. Ang crush , gusto mo sya. ganun? "
Nagulat naman si batang Arianne ng malaman nya ang meaning ng crush.
" Ha? Eh hindi ko naman sya crush ee " yan nakikicrush nadin sya.
" Hala edi sabihin mo sa kanya dali! "
At ang susunod na nangyare ay......sinabi na nya kay lalaking nagkakacrush na hindi nya gusto ito at bigla nalang parang natalo sa lotto ang mukha ni lalaking nagkakacrush.
THE END.
=====================================================
Short nga po diba? Sa susunod na iba. xD
Yan lang natatandaan ko, tsaka jan ko na din nalaman meaning ng crush.
Kawawang kaklase ko, hahaha epic fail mukha nya nun e. tanda ko pa kaso hindi ko na tanda pangalan nya. xD
*batang Arianne - ako po yun, alangan
*Lalaking nagkakacrush- hindi ko na kasi tanda pangalan nya pero tanda ko pa mukha nya. Bungi sya nun nung grade one kami ewa ko nalang ngayon. xD
*bully one- binubully kasi ako nito . hindi ko na din alam pangalan -__- tsaka wala na akong balak alamin pa.
* kaibigan ni batang Arianne - sensya na nalimots ko na din pangalan nya xD Ang tanda ko Sabrina pangalan nya. Yun lang.
HAHAHA sa susunod na yung iba. xD

BINABASA MO ANG
My Experiences.(True Story)
Teen FictionKung ako sa inyo...'wag nyo nang basahin to!! >:)) Hindi po ako magaling magsulat at pinanganak na po talaga akong tamad kaya tinaTAMAD na akong I-edit itong piece of crap na ito. Kung boring din kayo at walang mabasa edi basahin nyo nalang >:P