Author's note: Hi po! Hello ! :D first True story about my experiences . Experiences na hindi tungkol sa love. Kundi ang nagbibigay kilig sakin dahil sa sobrang takot. Samahan niyo po ako sa experiences ko nung bata pa ako. Sa mga magbabasa po nito , kung para sa inyo hindi masyadong nakakatakot para sakin po ay nakakatakot. Dahil bata pa po ako nung nakita ko SILA.
______________
Mga kakaibang karanasan
By : iamprincessria.
Ako po si Rianne. Nasa 3rd year highschool na po. Ito pong ikwekwento ko sa inyo ay nangyari po sakin nung ako nasa Grade 2.
Sabi nila, ang mga bata raw ang mas madalas makakita ng mga Ghosts. Naniniwala ba kayo dun? Ako ewan ko kung maniniwala ako o hindi. Pero dahil sa mga nangyayare sakin this past years, pede narin ako maniwala sa ghosts.
One day, may brownout sa village namin . Nakatira po ako sa Imus ,Cavite. Wala po akong kaalam alam nun dahil nakatulog po ako . Pero nung pagkagising ko nagulat ako dahil madilim sa kwarto at may isang kandila na nakalagay sa lamesa malapit sa higaan ko. Tinawag ko ang lola ko dahil sa natatakot ako sa dilim kahit na may kandila parin na nagbibigay liwanag kung nasaan ako.
" nanay !! Nanay!! " patuloy lang ako sa pagtatawag sa kanya. Hanggang sa may nakita ako flashlight na papaakyat. Nung una natakot ako ayun pala si Nanay ko lang.
" oh bakit? Gising kana pala?. Baba na tayo. Lamukin ka pa jan." habang nakatutok sakin ang flashlight na dala nya.
" nasaan po sila Cj?" si Cj ay ang pinsan kong lalaki. Magkasing edad lang kami.
" aa. Nasa baba sila. Nandun sila naglalaro sa sala. Oh tara na" bumaba na kami. Naabutan ko si CJ na pagulong gulong sa poam na nilatag nila sa sala.
" uy Arianne! Anong oras kana nagising? " sinabi sakin ni Cj nang makalapit na ako sa kanya. Nakipag-gulong gulong narin ako.
" huh?anong oras na ba? ..hindi ko alam eh napasarap tulog ko ee." tumigil ako sa paggulong sa pom,napatingin ako sa kusina. Tuwing brownout ang kusina ang pinakakinakatakutan ko sa bahay. Pati ang cr. kapag diniretso mo mula sa sala kitang kita mo kagad ang kusina.
" aa.. Nakakasar nga eh bigla kasi nagbrownout ayoko pa namn magbrownout"
" hahaha, duwag ka lang kasi " sabi ko sa pinsan ko. Kilala kasi ang pinsan ko bilang scaredy cat. Mas duwag pa nga yun kesa sa kin ee.
" hoy hindi aa. !" binato nya sakin ang isang unan . pero nakailag naman ako.
Tumawa lang ako. Pero napatigil ako sa pagtatawa ng maramdaman kong may nakatingin samin mula sa kusina. Natatakot ako , ayoko tignan . Pero kung hindi ko titignan malay niyo imagination ko lang sya. Kaya tinignan ko. Tumaas ang balahibo ko. Nang may makita ako ........
Isang babae. Nakaputing babae. Mahaba ang buhok.O.O
Pero nung sinabi ko kay Cj yun bigla nalang nawala...
" Arianne !! Tinatakot mo naman ako ee !! Yan tuloy nauuhaw ako. "
" hindi nga may nakita nga ako. " grabe nagsitaasan talaga ang mga balahibo ko dun.
" ewan ko sayo. Samahan mo ako sa kusina. Natatakot ako. "
" akala ko ba hindi ka naniniwala en bakit ka natatakot?!?" ang gulo naman ng pinsan ko.
" samahan mo na ako nauuhaw na ako ee. " nung una ayaw ko syang samahan dahil natatakot talaga ako sa nakita ko. Pero nung nakaramdam narin ako ng uhaw ee, sinamahan ko narin sya.
Sa kusina.
" bilisan mo kumuha ng baso." sabi ko sa kanya. Natataranta na ako. Kasi malay nyo mapakita na naman yung babaeng nakaputi.
" huh ee. Wait lang " maliit kasi si Cj kaya tumuntong nalang siya sa isang puan. Mejo matas taas kasi yung lalagyanan ng baso.
" bilisssss.. Nauuhaw na ako..."
" oh yan nah. " binigay na nya sakin yung tubig pagkatapos niyang uminom.
Pagkatapos naming uminom ni cj. Tumakbo na ulit kami pabalik sa sala. Sa sobrang takot namin nagpaunahan pa kami.. Hindi na kami tumambay sa sala. Lumabas nalang kami para makipaglaro sa kapitbahay namin. Kahit brownout.
_________
alam kong walang kwenta! Pero sana nagustuhan nyo po. True Experience ko po sya.
Kung kayo rin may naranasan kayung kakaiba nung mga bata kayo . Feel free to share it below. Comment lang ng comment. Hehehe.
BINABASA MO ANG
My Experiences.(True Story)
Ficțiune adolescențiKung ako sa inyo...'wag nyo nang basahin to!! >:)) Hindi po ako magaling magsulat at pinanganak na po talaga akong tamad kaya tinaTAMAD na akong I-edit itong piece of crap na ito. Kung boring din kayo at walang mabasa edi basahin nyo nalang >:P