Experience 5. Katok.

189 2 1
                                    

Tangahali na ng magising kami lahat. Iisa isahin ko na po ang nakatira at sino ang kasama ko sa bahay/ apartment. 

-----------------------------------

Ako- syempre xD

Cj- kakabata ko/pinsan ko.

Ate Rizza- ate ni CJ/ pangalawa sa apat na magkakapatid/pinsan ko din

Ate Izza- Panganay na kapatid ni Cj/ teacher sya.

Kuya Rodnie- Asawa ni Ate Izza.

Ate Ynah- Kapatid rin ni Cj.

Kuya Arlan- Asawa ni ate Ynah tho hindi pa sila kasal ^^

isama ko na ang pamangkin ko na sina AJ at AREL ^___^yun lang 

__________________

Balik tayo. Tanghali na kami nagising lahat. Edi tanghali narin kami nag-almusal.

Tahimik ang lahat dahil busy kumain, nang bigla nagkwento si kuya Arlan.

" May narinig ba kayo kagabi? "

Nagtaka naman kami. Syempre nasa sala kami natutulog pero wala naman kami narirnig. :/

" wala." sabi ko.

" eh ikaw Cj? " tanong ni kuya Arlan kay Cj.

" Bakit mo naman natanong ? o.O " tanong pabalik ni CJ.

" kasi Ynah di ba? bakit hindi niyo narinig? " pagtatakang tanong ni Kuya Arlan samin.

Ano nga ba ang dapat naming marinig diba?

" May kumakatok sa pintuan kagabi." sabi ni Kuya Arlan na seryoso ang pagmumukha. " Sure kayo hindi nyo narinig eh ang lakas ng katok."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Cj at Ate Rizza. Syempre kaming tatlo ang natutulog sa sala. tapos wala kaming narinig na katok sa pinto. Tapos ang nakakagulat pa hindi namin narinig samantalang sila Ate Ynah at Kuya Arlan na gayo'y nasa kwarto , sila pa ang nakarinig???

" weh? tinatakot mo yata kami Arlan ee " sabi ni Cj. Arlan lang tawag niya. Matapang pero duwag pag kwentuhang multo. 

Ako naman busy lang sa pagngunguya ng tinapay. Pero takot padin. Kasi diba kumatok? tinatandaan ko talaga. pero wala talaga ako narinig. hmmmm.

" OO nga! kahit tanungin mo pa sa ate mo! oh Ynah gano kalakas yung katok ?" Sabi ni kuya Arlan kay Ate Ynah. 

" Ganto oh " di nemonstrate ni Ate ynah yung pagkakatok. sa Paggawa niya, Malakas nga. pero pano namin hindi narinig.

" Baka hangin lang yun. " sabi naman ni Ate Rizza.

" oo nga. tong mga to ! nananakot pa! matulog nalang kayo! " sabi ni Cj na may halong pang-aasar.

" Hindi nga kung ayaw niyo maniwala. si Arlan pa nga lumabas pa ee. Kasi yung mga aso ng kapitbahay natahol. Alam niyo naman yung mga asong yun kapag natahol ibigsabhin ----"

"may tao." sabi ko.

" oo . diba Arianne. natahol lang naman yung mga asong yun kapag may tao. ' sabi ni Ate ynah.

"oo." sabay nod ko. natatakot na ako. Tama kayo at yung aso ng kapitbahay nmin natahol lang sila kapag hindi nila kilala ang tao. Maski nga ako tinatahulan eh ang tagal ko na rito. pano pa kaya ? yung taong yun? o tao nga ba?

" Lumabas si Arlan. " pagpapatuloy ni Ate ynah." May dala pa nga syang bat ee. "

" Parang baliw lang bakit may bat pa?" tawa ni Ate Rizza.

 " Syempre malay mo. HAHA ewan ko din dito. Baliw na nga! " Sabi ni Ate ynah sabay hampas sa braso ni Kuya Arlan.

" Sympre para proteksyon. Malay niyo biglang may lumundag sakin edi hahampasin ko kagad xD "

Tawa naman kami lahat. Dinadaan nalang sa tawa para mawala ang takot.

" Pero seryoso nga. may kumatok ." Pagbabalik ni Ate ynah sa kwento.

" Ilang beses ? " tanong ni ate Izza. Kakalabas lang nya galing kwarto nila.

" 3 . "

HUWATTT?!?! tatlo??

" tatlong malalakas na katok...... ewan ko ba kung bakit hindi niyo narinig e malakas naman" sabi ni ate ynah.

" eh mga tulog mantika yang mga yan ee. Lalo na yung dalawa " pagtutungkol ni Kuya Arlan samin ni Ate RIzza.

" ngeeeek. oo napasarap yata tulog ko. >3< " sabi ko. " tapos ano nangyare? "

" Nung una binalewala namin. Nung unang katok malakas. Kaya napabangon kagad ako. Nagtataka lang ako kasi syempre malakas kaya sinabi ko kay Arlan na tignan niya kung sino. ..."

Grabe sino kaya to?

 Itutuloy............

My Experiences.(True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon