Experience 5.5 Katok.

115 2 1
                                    

LALALALALAALAL. Continution ng experience 5. Katok. :DD Enjoy este matakot kayo xD

___________________________________

" Sabi ko kay Arlan tignan nya kung sino .Bumangon sya tapos tumingin sa may bintana namin pero hindi naman nya kita kung sino nasa sa labas kaya lumabas na sya ng kwarto."

Kinig mode lang kami lahat. Napatigil sa pagngunguya ng kinakain. Nakatulala sa nagkwekwentong si Ate ynah.

" Nakita nya kayo, tulog lahat kayo. nagtataka kami pareho hindi nyo narinig pero hindi na namin kayo ginising pa. Dumiretso si Arlan sa may bintana ako din, tinignan namin pareho kung may tao pero..................wala.. walang tao. "

( susunod na eksena ay pov na muna nila ate ynah .hirap kasi ikwento kapag pov ko. POV nila nung gabing yun. 3rd pov nalang po.)

Alas tres na ng umaga ng may marinig sila Ynah at Arlan na kumatok sa pinto. Napabalikwas ng bangon si Ynah sa narinig at ginising ang asawa. 

" Arlan , narinig mo yun ? may kumakatok yata. "

" hmm ? ano ? " 

" may kumakatok yata satin ? tignan mo nga "

Bumangon na din ang asawa nya. At kumuha ng bat. 

" Para saan yan? " tanong ni Ynah.

" Malay mo magnanakaw pala . At tsaka panghampas na din "

" Loko. xD "

Lumabas na sila ng kwarto. Bumungad sa kanilang dalawa ang natutulog na tatlo. Masarap ang tulog at hindi man lang nagising sa malakas na katok.

" Hindi yata nila narinig. Tulog mantika talaga HAHAHA " Arlan.

" Wala naman tao. Sino kaya yung kumatok "

" Teka titignan ko. " Arlan.

" Hoy wag na.! Baka kung sino pa yan! "

*** Me POV ***

( ibalik na po natin sa pov ko. HAHA kasi kapag 3rd parang hindi talaga nangyare sa totoong buhay xD )

" Baliw kasi to si Arlan , lumabas pa. " sabi ni Ate ynah.

" Syempre , para sigurado. " Kuya Arlan.

" Pero nung lumabas kayo Arlan , may nakita kayo na tao? " Si Ate Jelet.

" Aa. Wala nga e . Baka nga multo " kuya Arlan. 

Natakot ako nung sinabi ni Kuya Arlan yun.

" Sabi ni mama diba, kapag tatlong katok, kaluluwa yun. Tatlong katok kagabe edi tatlong kaluluwa yun ? " si Ate ynah.

" WAAAAAA ate ! ate ! ate! " Si Cj na biglang yumakap kay Ate Jelet na katabi nya.

Natakot ang loko HAHAHAH.

" Ano kaba! magkakasama lang tayo natatakot ka! " si ate jelet na natatawa at tinatanggal yung kapit sa kanya ni Cj. xD

 " Waaaa Arianne!!! Arianne!! Arianne!! " Sakin na man kumapit ang loko ng natanggal na ang kapit sa kanya ni ate jelet. xD

" Ano ba CJ! takot ka , ? HAHA " - ako, 

" Matutulog ka pa dito sa sala? Ako? AYOKO na! makikitulog ako kila Ynah. " CJ nakakapit padin sakin.xd

" Alangan , matutulog padin " Ako.

" ANO? hindi ! Ayaw kita katabi ! mabaho ka! " si Ate ynah narinig sabi ni CJ xD

" Sige na Ynahh Ayoko matulog dito. Baka mamaya may kumatok na naman WAAAA "

" Duwag ni CJ e, magdota nalang tayo! " - Kuya Arlan.

My Experiences.(True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon