Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3

NAPANGITI na lang ako ng tumunog yung phone ko. Someone chat me. Yehey! Baka si Luke na yun! Mabilis ko namang tinignan kung kanino talaga galing kahit na umaasa akong si Luke na yun.

Nawala na lang yung ngiti ko ng hindi pala si Luke at napalitan iyon ng simangot. Hays. Si Kaye lang pala ang nagchat akala ko si Luke na. Kinalimutan na ata ako ng lalaking yun. Kainis!

Nagchat si Kaye na the day after tomorrow na lang daw kami mag-ienroll kasi may pupuntahan sila. First day of enrollment ngayon eh. Ayos lang naman na hindi kami makakaenroll ngayong araw. Baka nga sobrang daming tao sa school. Sana naman lumuwag-luwag ngayon ang enrollment at sana rin may bago kaming kaklase in other words sana may bagong student na tatransfer from other school to our school na ka section namin. Para magkaroon ng mas magandang thrill yung pag-aaral. Charot lang.

Dati si Luke yung palagi kong kasama mag-enroll ngayon si Kaye na yung kapitbahay namin na kaklase ko rin.

As I remember Luke. Tama! Birthday na niya bukas. Kamusta na kaya yung lokong yun? Sana hindi kumpleto yung birthday niya lalo na yung araw niya bukas kasi naman po magsicelebrate siya ng kaarawan niya na wala ako.

Hays. Dahil nandito naman ako sa kwarto ko. Mabilis kong kinuha yung notebook na bigay ni mama.

Tinitigan ko ito ng mabuti. Ang ganda ng pagkakadesign ni mama sa notebook cover. Tumanda na at lahat-lahat artistic pa rin. Feeling ko yung talent hindi talaga iyan nawawala kahit tumanda ka pa. Siguro kung  ayaw mo nang gamitin pero nandyan pa rin yan kahit na ano ang iyong gawin.

Siguro kay mama ko namana ang pagiging artistic ko. Si papa kasi ayon kay mama magaling sa pagplay ng instrument like violin, guitar and even drum. Magaling din daw si papa kumanta. Sana all kasi ako hindi ako marunong kumanta. Alam niyo yun? Yung sintonado. But then I can dance.

May pagkacalligraphy yung pagkakasulat sa notebook cover and it says 'The story of my life'. Really? So mom wants to know the happenings in my life? Truth to be told hindi naman siguro lahat ng mangyayari sa buhay ko isusulat ko dito. Baka yung mga bagay lang na gusto kong isulat ang iisulat ko dito. Some things should remain private. Atsaka kung may nakakaalam man ng nangyayari at mangyayari pa sa buhay ko si God lang yun.

Binuklat ko na yung notebook. Ano ba 'to? Bakit pati sa loob ang ganda? I decided na magsulat ngayon. I skip three pages of it before I start writing pero syempre date muna sa taas. Honestly, as a writer hindi naman kasi pwedeng piliin mo kung saan ka magsulat ang importante sa lahat may masulatan ka. Yun yun eh.

As I say so I started writing. 'If I really can I'll wrap myself to be a gift and send or deliver it to him. I want to be with him in his birthday. I hope I could find a way to go to him even just in my dream. Why does it's so hard to be with someone you want? I missed you. Advance Happy Birthday Luke baby. I hope you're fine without me in your side. Keep safe and sane. Take heart I will always be your bestfriend waiting for you until the end. I pray and declare that you will be able to do what you want to do in your life. Be happy and stay healthy. God bless you always. Once again, Happy Birthday. I love you. Mwah.'

Yung lungkot ko parang bulang nawala. Writing a thing for Luke makes me happy. Siguro dahil napalabas o naisulat ko yung gusto kong sabihin sa kaniya. Sana makarating kahit na alam ko naman sa sarili ko na napakaimposible.

Wala kaming kumunikasyon. Distansya ba talaga ang susubok sa relasyon naming dalawa? Makakahintay naman ako ng tamang oras para makita siya pero hindi ko alam kung hanggang saan ang ligayang matatamo na hindi siya kasama. See you soon, Luke. Kung hindi pa ngayon ang panahon naiintindihan ko. Ganoon kahalaga sa akin ang pagkakaibigang mayroon tayo.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now