Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

AS I pray most earnestly at night and day that I may see her face to face again. Miss na miss na kita, Leigh. How are you? Are you still okay without me by your side?

This is unexpected kasi nasa Los Angeles, California na ako pagkagising ko. You're asking kung anong nagyari? Ewan ko. Yan rin ang hindi ko alam.

Ang naaalala ko lang before this happened. Dad told me na pupunta raw kami dito kay grandma for her birthday. Of course I agree si lola na yan eh. But the thing is dad confiscated my phone. Why? I don't know. Hays. Lahat na lang di ko alam.

Ititext ko na sana no'n si Leigh para magpaalam kaso na lowbat ako and then dad get my phone akala ko ichacharge niya pero hindi pala. Tinago niya ba naman. Kaya nagdesisyon na lang akong puntahan si Leigh but mom said mag-impake na raw ako kasi aalis kami agad-agad and I did pack my things.

Ng gumabi nagpaalam ako kay dad na aalis para puntahan sana ulit si Leigh para magpaalam sa biglaang pag-alis namin kasi wala pa namang pasok pero sabi ni dad baka nagpapahinga na raw si Leigh o di kaya tulog na and mom agreed to dad. Napaisip ako n'on. Oo nga noh? Baka tulog na siya kasi maaga yun palaging natutulog. Ayaw magkaeye bags eh.

Then morning came I try my best to sneak out para magpaalam sa bestfriend ko but bantay sirado ako. Ang sabi ni dad hindi raw akong pwede umalis ng bahay kasi baka malate kami sa flight namin o baka raw magpaiwan ako o maiwanan. Nagbiro pa nga si dad na mas importante pa nga raw yung bestfriend ko keysa sa pamilya ko. Of course not because my bestfriend is also my family. Pero dahil makulit ako at mapilit nagising na lang akong nandito na.

This all happened because of dad's connection. It's been a month at wala man lang akong magawa para puntahan siya o di kaya kamustahin.

I had my new phone. Memorize ko naman ang cellphone number ni Leigh but I can't contact her. I made a new social media account kasi dad deleted lahat ng account ko dati and there's something about my new account. Hindi ako makacommunicate sa mga tao outside the country kahit na ilang beses ko nang sinubukang hanapin si Leigh sa social media. Everything is limited sigurado akong may kinalaman dito si dad.

Paano ba 'to? Hays. Baka nag-oover think na yung bestfriend kong mahal na mahal ko.

Bumaba ako galing kwarto ko. Naisipan ko kasing pumunta ng sala.

Pagdating ko doon pasalampak akong umupo sa mahabang sofa. Pero ng makarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdan umupo ako ng maayos at yumuko na lamang.

Hinintay kong makalampas sa akin ang taong yun pero wala na akong narinig na yabag kaya napagdesisyonan kong iangat ang ulo ko. Sa pag-angat ng mga ulo ko bumungad sa akin si Tita Alice ang family doctor namin. She come over here for grandma's check up bigla kasi itong nilagnat. Akala ko kanina pa siya umalis ang tagal ko rin kasing namalagi sa kwarto.

"Luke, is that you?" She asked me while smiling.

Tumayo naman ako nang mabilis at yumuko sa kaniya at mabilis ring iniangat ang ulo. "Opo, Doc."

"Oh, Luke. Cut the formality. So tama nga ang narinig ko na nandito ka? Na sinama ka ni Kuya Dave dito? Don't you remember me? O gusto mong ipakilala ko pa sayo ang sarili ko?" She's at it again. My beloved tita who understand me so well.

"Tita naman! Opo. Of course I did. Sorry po. Kahit huwag na. Na miss kita." Nakangiwi kong wika. Ayoko pa naman na maging confused sa tuwing siya yung kausap ko.

"I missed you too. Ang laki-laki mo na. How are you? Bakit ka malungkot? You missed someone else?" Paano niya alam? Siguro nakikita niya sa mukha ko.

"I'm fine po tsaka hindi ako malungkot." Lies.

"Oh, really? Umalis ka lang at pumunta ng Pilipinas naging sinungaling ka na. Gusto mo batukan kita?" Mabilis naman akong umiling.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now