Chapter 16

0 0 0
                                    

Chapter 16

IT'S been a year simula noong nangyari ang pagdukot sa akin and still wala pa rin si Luke.

Sa isang taon na lumipas mas naging close ako sa pamilya ni Lee. Wala na atang makakatalo sa closeness at sweetness namin sa isa't-isa.

I like Lee as a guy. Pwede na siyang maging ideal man ko na sumasabay sa lahat ng gusto. Para siyang si Luke. As I knew him better napapansin kong madami silang similarities ni Luke and of course marami rin silang differences as a person.

Yung pag-asa kong makakausap pa si Luke ay medyo nawawala na. Palaging nandiyan naman si Lee for me eh.

Tungkol pala sa pagdukot sa akin noon mas humigpit sila sa amin. Tito Charles, Tita Ara and mama decided na gumawa ng bracelet na sila lang ang makakaunlocked. Bracelet na may tracking device sakaling may madukot ulit. May bracelet kaming anim para safe.

Back then Lee don't know na nawawala at nadukot ako not until sinundo sila ni Tito Charles sa school noon. May nagtext raw kasi sa kaniya noon na nasa bahay na ako at sa kaniya muna ang bag ko kasi may sakit ako kaya hindi ako makakapasok sa school. He knows my mama's cellphone number pero ang akala niya yung unknown number na nagtext sa kaniya ay si mama kasi na mentioned ko sa kaniya noon na dalawa yung sim ni mama.

Hays. Thinking about it makes me miss Uncle Eddie. Noong dinakip siya ng mga pulis at dinala sa prisinto ayos lang naman siya. Mga ilang araw ang lumipas na nasa prisinto siya nabaliw siya. Sorry siya ng sorry sa akin noon ng minsang dinalaw ko siya. Hindi naman na siya kinasuhan pa ni mama kasi he understand Uncle Eddie. The truth is alam ni mama na ampon si Uncle Eddie kasi nagpromise raw sila ni papa noon sa isa't-isa na no more secrets.

Mama knows too na pinamana kay papa ang school but then ng namatay si papa si Uncle Eddie na yung namahala sa school and it's okay with mama hindi niya nga alam na ito pala ang mangyayari. She knows about the school being ours pero hindi na lang siya nagsalita at hinayaan na lamang na si Uncle Eddie na angkinin iyon. Ayaw kasi ni mama na isipin ni Uncle na school lang ang habol niya kay papa kaya naman mama let Uncle handle the school. Hindi niya na muna inisip yung karapatan niya sa school kasi nakagraduate naman siya.

Nagsumikap si mama for the both of us. Binuhay niya ako ng mag-isa. Kaya sa lahat ng single mom diyan saludo ako sa inyo. Stay strong and safe. Always think that you're enough. God bless.

Sa ngayon si mama yung naghahandle ng school. Ayos lang naman sa akin. Kasama niya nga si Tita Ara sa paghahandle.

Ayon nga nabaliw si Uncle Eddie so dinala siya sa mental institution at makaraan ang ilang araw nalaman na lamang namin na patay na siya. Nagsuicide siya. Nakakalungkot nga eh. Sa kabila ng pagsakal niya sa akin noon I still think of him as a family kahit na hindi naman talaga kami magkadugo.

Nakakamiss yung mga araw na naglalaro kami ng Chess. Yung mga araw na ang daming niyang kwento na parang inipon niya for how many years. Hindi ko man lang narealized noon na nasasaktan na pala siya na may problema rin siya. Na grabe yung pinaghuhugutan niya. Kung alam ko lang sana.

Wala naman akong sama ng loob kay Uncle. Ng una ko siyang makita wala naman akong naramdamang kaba kasi iniisip ko noon na kapatid siya ni papa. Hindi ako nangamba kasi naniwala akong mabait siya at hindi ako nagsisi na nakilala ko siya kasi sabik rin ako sa isang kamag-anak.

Biruin mo for fifteen years si mama lang yung kasama ko tapos ang alam ko siya lang yung pamilyang meron ako na kadugo ko.

Ewan pero lahat sila namatay eh. Minsan tuloy naiisip ko na kaiwan-iwan ako. Hays.

IT'S good to be back. It's good to be with someone you could have at your back.

Hays. I feel so relieved setting my feet here in the land of Philippines again. I miss this place. I miss her. Kamusta na kaya siya? Gusto ko na siyang makita pero hindi pa pwede. Kahit na nandito na ako sa Pilipinas at anytime soon kung gustuhin ko siyang puntahan at makita ay kayang-kaya ngunit hindi pwede baka hindi ko na makita pa si Leigh kahit kailan. I need to obey them.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now