Chapter 10

1 0 0
                                    

Chapter 10

MONDAY na ngayon at papasok na ako ng school. Hays. Aakyat na naman ako ng hagdan. Mukhang hindi pa naman nag-uumpisa ang Flag Ceremony sa bagay ang aga pa kaya.

Pagdating ko ng room halos lahat nagmamadali iyong iba naman nagmamasid naghinhintay siguro sa gurong darating. Ganiyang eksena ang nadatnan ko pagpasok ko ng room. Nangongopya sila ng assignment. Bakit ba kasi hindi sila gumawa ng assignment noong weekend? Estudyante nga naman bata pa ngunit abala na.

Honestly, I understand them kasi lahat naman kami dito busy sa kaniya-kaniyang specialization tapos mapepressure ka pa sa ibang subject sa bagay parte sila ng pag-aaral. Mapifeel mo talaga ang pressure kapag nag-aaral ka ng mabuti o seryoso ka sa ginagawa mo.

Expectation at standard rin kasi ng mga tao sa school ang kinakatakutan namin.

Mukhang maaga talagang pumunta sa school itong iba kong mga kaklase na hindi nakagawa ng assignment para makapangopya. Wala pa ang adviser namin kaya pwede pang mangopya.

Umupo na ako sa upuan ko pero syempre bago ako umupo kinuha ko muna bag ko sa likod ko.

Wala pa si Lee. Siya na lang ang kulang sa row namin. Tulad nga ng sabi ko maaga pa kaya siguradong maya-maya darating na si Lee.

Katulad ng inaasahan makalipas ang labinlimang minuto dumating si Lee. Ang mga kasabay niya namang dumating na wala pang assignment mabilis na humanap ng papel habang may dala-dalang ballpen tapos nangopya. They are blessed lalo na't hanggang ngayon hindi pa dumadating si teacher.

Ng makaupo si Lee sa tabi ko mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at ibinaling ito sa mga kaklase kong mga abala. Abala talaga sila dahil madami kaming assignment na halos lahat ng subject meron. Buti na lang talaga nakagawa na ako ng assignment ko noong weekend baka kung hindi katulad rin nila ako.

Nakaramdam ako ng pangangalabit pero alam ko namang si Lee iyan pero hindi pa rin ako humarap sa kaniya. Siya naman hindi ako tinigilan ang kulit naman ng lalaking 'to sarap sapakin. Paki niya ba kung ayaw at hindi ko trip siyang pansinin?

"Ano bang kailangan mo? Wala ka rin bang assignment? Eh, ano pang ginagawa mo? Edi mangopya ka na." Inis na sigaw ko kay Lee. Umiinit ulo ko sa kaniya. Kainis!

"Grabe ka naman wala pa nga akong sinasabi at nangangalabit pa lang nga ganiyan na agad reaksyon mo." Malumanay na wika nito habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Sorry na. Ano ba kasing problema mo?" Usal ko kay Lee.

"Huwag kang mag-alala wala akong problema atsaka nakagawa na ako ng assignment ko noong weekend kapag kasi inuuna namin ni Nate ang ibang bagay keysa sa pag-aaral pinapagalitan kami ni mama. Atsaka sa past school ko hindi ko pa nagagawang mangopya. Speaking of mangopya, ano pa ba yun? Atsaka anong ginagawa ng mga kaklase natin? Bakit palagi silang ganiyan?" Inosenteng ani ni Lee. Ewan ko ba kung ano ang magiging reaksyon ko. Matatawa ba o papagalitan siya?

Si Lee ba talaga 'to? Bakit parang alien.

"Mangopya means cheating that people shouldn't do. Ang babait naman pala ng mga kaklase mo sa Russia."

"May shouldn't do shouldn't do ka pa pero ginagawa naman nila. May nag-aaway rin naman doon sa amin noon ha."

"Okay. Sa buhay hindi naman siguro natin maiiwasang magcheat kaya expect for the worst because there will always be a first time for everything."

"Sabi mo yan ha. Ahm, meron ka ba?" Huh?

"Ako meron? Assignment ba ang tinutukoy mo? Oo meron ako. Nakagawa ako nong weekend. Magkaibigan nga tayo kasi pareho tayong nakagawa." Masayang wika ko.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now