Prologue

141 3 0
                                    

Ara

Matagal akong nakatingin sa kanya habang nakatingala siya sa mga bituin.

Gaya nang nakasanayan, nandito kami sa harap ng gate ng apartment ko at nakatambay. Ang sarap niyang panoorin. Mukha siyang batang may munting hiling at matiyagang nag aabang ng mga shooting stars ngayong gabi.

Tahimik lang kaming magkatabi. Minsan  mas okay na hindi kami nagsasalita. Mas dun kami nagkakaintindihan. Wala naman siyang sasabihin sa akin. Marami akong gustong sabihin ngunit hindi ko kaya. 

Bigla siyang tumingin sa akin kung kaya't mabilis akong umiwas. Mabuti na lamang at medyo madilim kaya hindi niya napansin kung gaanong namumula ang mukha ko ngayon. Parang mababaliw na ako sa mga halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon at wala akong ideya kung anong mangyayari sa'kin. 

Tumingin akong muli kay Francis at nagka abot kami. Nagpapanggap akong matapang at patuloy na nakipagtagisan sa mga mata niya. Sa kung anong hindi maipaliwanag na dahilan ay niyakap niya ako. 

"Goodnight Ara."

"Oh, may yakap pa talaga?", kinakabahan ako. Sana'y hindi niya napansing trinaydor ako ng nanginginig ko na boses. "Sige na goodnight Cis."

Bahagya na akong lumayo pero mahigpit ang pagkakayakap niya. 

"6 seconds. Payakap lang."

Nakakagulat ang inaasal niya ngayong gabi. Is Mercury in retrogade?  Iniisip ko kung tama bang hayaan ko na ganito kami. Baka kase pag hinayaan ko, lalo lang akong mahulog at baka lalong lumala ang nararamdaman ko. 

"6, 5, 4, 3, 2"

Parang ayoko nang banggitin yung 1. Parang ayokong matapos.

Kusa na siyang kumalag at tumayo sabay abot ng backpack niya na kanina pa nasa lapag. Nagpagpag din siya ng slacks niya na halos nalukot na dahil sa buong maghapon niyang paggamit dito. Tumayo na rin ako para ihatid siya at para ma i- lock ko na din ang gate.

Sabi nila, ang pag ibig, nakakabulag. Pero para sakin, masyadong lethal ang pag ibig para lang makabulag. Nakamamatay siya. Parang pag nag j walking ka sa EDSA. Parang nag bungee jumping ka nang walang tali. Delikado pero gusto mo. Tama. Nakamamatay, pero gusto ko.

Nakakapagod  umasa. Nakakapagod tumanaw sa malayo.

"Ara, I'm going na. Goodnight."

Nagising ako sa realidad, pabalik sa taong kaharap ko. Inakbayan niya ako sabay halik sa noo ko na hanggang ngayon ay medyo ikinagugulat ko pa rin kahit na palagi naman niya itong ginagawa.

"Take care Cis", wala si huwisyo kong sagot. Tumakbo siya papalayo sa akin habang nakangiti, at sabay kumaway. Mabilis ko namang na i- lock ang gate at sinigurado kong nakakandado ito nang mabuti. Lumulundag na naman ang puso ko katulad din ng mga pagkakataong  nagpapaalam siya para umuwi.

Dahan dahan akong pumasok sa loob, bitbit ang mga mabibigat na yapak at ang patuloy na pagkirot ng dibdib dahil sa mga katagang hindi ko masabi sabi.

"I love you Cis. Mahal kita, kaso hindi mo marinig."

-x

PS. I'm re-writing this story. As some of you may know, I wrote this last 2015, back when I was a foolish 22 year old gal, with nothing but a broken heart.  😆 Hopefully, I get to show you how I've matured as a person and as a writer. I'll be posting the rest of the chapters as soon as I finish them. 

As always, thank you. You. I thank you. 


Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon