Ara
"Hi everyone, good morning. My name is Arabella Montejo. I'm 17 years old. I'm taking up A.B Literature, 2nd year college."
Nakangiti ako sa kanila habang nagpapakilala. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan ako pero deep inside, feeling ko matutunaw na ako sa sobrang tense ko. Nakatingin lang sila sakin habang nagpapakilala ako at nagsasabi ng kung anu anong ganap sa buhay ko.
Binigay ko sa kanila ang portfolio ko kung saan nakalagay lahat ng literary works ko pati na din ang mga achievements at brief background sa pagiging writer.
"Well, your accomplishments are really good."
Kahit papano'y nabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya at kahit papano ay hindi na triple timing ang pintig ng puso ko.
"May hinihintay pa sana tayong isang member kaso wala pa din siya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan na naman nagsuot ang batang iyon, pero, sige let's start na lang. My name is Alfred Sandoval, I'm the adviser of The Crossroads Publication, and this, on my right, is Nelson Vasques, our editor in chief, graduating student, hopefully this year."
Natawa ako sa sinabi ni Mr. Sandoval. Pati ang mga members ng panel ay natawa na rin. Nagkunwaring iritado si Nelson pero ngumiti na rin at pagkatapos ay kumaway sa'kin. Medyo mukha siyang nerd, pero nerd in a good way. I think, bagay siya maging kuya or bestfriend.
"Hi Ara, i'm Nelson, and she's Joan Santiago, my associate editor."
Tumango sakin si Joan at napansin kong medyo namumula siya, mukhang nag blu blush. Lihim akong napangiti dahil alam na alam ko kung anong dahilan ng pamumula na iyan. Mukha mabait si Joan at feeling ko sobrang makwento niya, kaso natatahimik siya bigla kapag nandyan ang taong mahal niya.
Damn. Ginagawan ko na sila ng kwento. Tsk.
"Teka, what about me?"
Bigla akong nawala sa sarili kong muna at biglang bumalik sa realidad dahil sa narinig kong sigaw. Napatulala ako sa lalaking tumayo sa bandang dulo ng panel. Hindi ko siya gaanung napansin nung una, marahil dahil masyado akong naka focus sa nasa harapan ko, to the point na nakalimutan ko na kung anong nasa kaliwa't kanan ko.
"Okay, siya si Chuck,"
Pairap na nagsalita si Joan, mukha siyang iritado pero may kakaiba na nakakatuwa para sa akin. Parang magkamukha pa nga silang dalawa at sobrang nakakaaliw nila tingnan. Nagpatuloy sa pagsasalita si Joan.
"Contributor daw. Pero walang kwenta."
"Ah ganun? Ate pa naman kita! Gusto mo bang ikwento ko sa lahat kung panung rlgdgrg dlgrddlglsrglds"
Wala na kaming naintindihan sa sinabi ni Chuck dahil bigla biglang tinakpan ni Joan ang bibig niya at halos parang nag wre wrestling na silang dalawa. Sobrang playful ng tone of voice niya and super jolly. Natawa na lang ako sa kanila pagkatapos bitiwan ni Joan si Chuck.
"Sorry na Ate."
Parang naiiyak si Chuck, siguro kase masakit ang pambabalyang ginawa ni Joan sa kanya. Natawa silang lahat at nakisabay na din ako sa kanila. Grabe, parang feeling close ako sa kanila pero masaya. I mean, gusto ko silang kasama.
"Ser oh, ang sama nila. Diba sports editor na ko.. Diba ser"
Nagsimulang mag tantrums si Chuck habang tuloy pa din sila sa pagtawa.
"Okay, tama na yan guys. Wag nyong takutin si Ara."
"Oo nga. Kaya walang sumasali sa'tin eh" dagdag ni Nelson.
BINABASA MO ANG
Million Miles Away
RomanceTotoo ngang may mga taong mahirap abutin gaya na lang nang kung paanong nahihirapan si Ara na abutin si Francis kahit pa na sobrang lapit na nito sa kanya. Para kay Ara, tapos na ang love story nila kahit na hindi pa ito nasisimulan dahil alam niy...