Chapter 3: Curiousity and Complications

31 0 0
                                    

Ara


Transferee student ako dito sa St. Thomas University kung saan nag aaral si Francis. Classmates kami dati mula elementary hanggang highschool sa Batangas. Dito siya sa Maynila nag aral dahil kinailangang nilang lumipat para ipagpatuloy ang family business nila.

Naalala ko pa kung paano nagpaalam si Francis nung umalis siya at kung paano ako nahirapan dahil sa hindi namin pagkikita. Mula nung bata ako, siya na ang lagi kong kasama at ang pagpunta niya dito sa Maynila ang pinakamahabang panahon na hindi kami nagkita.

Gusto sana ni Cis na sabay kaming lumuwas nun kaso, pinili kong magpaiwan muna dahil hindi ko pwedeng iwanan si Papa. Naghiwalay ang mga magulang ko noong nasa elementary pa lang ako. Wala akong kapatid kaya halos palaging si Cis ang kasama ko mula pagkabata. May sakit si Papa kaya sa kanya ko napiling tumira. Dumadalaw dalaw na lang ako kay Mommy kapag weekends.

Namatay si Papa 2 years ago, isa sa mga major heartbreak ko at para kahit papano'y ma divert ang atensyon ko, sinabi ni Mama na sa Maynila na lang daw ako mag aral tutal naman ay dun din muna siya titira. Mula nun, lumipat na ko sa isang apartment sa Maynila at napagdesisyunan kong sa St. Thomas na lang din mag aral para makasama ko si Cis.

Speaking of Francis, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya. Iniisip ko kung tulog pa ba siya o baka may kung anu anong ginagawa na naman. Pumunta lang talaga ako ng school para sa interview ko. Masyado pang maaga para umuwi at bukod dun, hinihintay ko din na magparamdam si Cis. Baka kasi, mag aya siya kumain or gumala or manood ng sine.

Medyo magkakalayo ang mga building dito sa school kaya kung hindi ka ganun kayaman ay mapipilitan kang makisabay sa pagmamartsa kasama ang ibang mga estudyante. Magtatapos na ang first sem at halos abalang abala ang mga estudyante sa mga kabi kabilaang project, defense, OJT, feasib at kung anu ano pa. 

Kinalkal ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko. Shit naman kase. Bakit kase ganito kagulo ang bag na to? Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis at sa wakas ay nakuha ko din ang phone ko at ang nagkabuhol buhol kong headset

Wala pa ring text galing kay Francis. Nagpatugtog na lang ako ng paborito kong kanta, Up Dharma Down, Sana.

Sumabay ako noong dumating na sa chorus ang kanta at habang sumasabay ang ulo ko sa tugtog ay may nahagip akong isang lalaki na nakaupo sa may bandang mini park. Nakasuot siya ng jeans at nakakatawang design ng t-shirt, "IF I'M GOODLOOKING WHY CAN'T I JUST BE RICH?" pabulong kong basa. 

Mukha siyang mas matangkad sa'kin, medyo moreno. Napatingin ako kase parang nagtatalo ata sila ng kasama niyang babae. Malamang, hindi ko marinig pinag uusapan nila pero nagulatt ako ng biglang nagyakapan sila at pagkatapos ay nagdikit ang mga labi nila. No, hindi lang nagdikit! They're kissing.. Hard...

What the.? Nanlaki ang mga mata ko. Hello? School kaya to! 

Hindi ko na maintindihan ang kantang naririnig ko kaya tinanggal ko na lang ang headset ko at binalik sa bag ang phone ko. Sa estimate ko, parang kasing edad ko lang yung guy, tapos si ate girl, parang nasa, mga mid 40's na. siguro. 

Buhay nila yun pero na curious ako kung ano nang ginagawa nila kaya tumingin akong muli sa kanila, only to find out na meron na palang isang pares ng mga mata ang nag aabang. Naku, malamang sa iba yun nakatingin kaya lumingon lingon ako sa likod ko at sa magkabilang gilid ko. 

Shit. Ako lang mag isa dito. Shit talaga. Napalunok ako at tumingin ulit sa kanya pero nandun pa din siya! Nakatingin at hindi natitinag. Crap

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon