"There is nothing sadder in this life than to watch someone you love walk away after they have left you. To watch the distance between your two bodies expand until there is nothing left but empty space... and silence."
- Someone Like You
Paulit ulit ang linyang ito sa utak ko.
Siguro, dala ng sharp memory (Ehem!) o dahil sa sadyang nakakarelate lang talaga ako. Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa tahimik na kumakain ng popcorn. Malabo ang expresyon ng mukha niya at nahihirapan akong basahin kung anong nasa isip niya.
"Ganun nga talaga siguro."
Napatingin akong bigla nung nagsalita siya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa laptop na ngayo'y cast of characters na ang naka display ngunit alam kong ako ang kinakausap niya (Malamang! Kami lang dalawa eh!).
"Huh? Anong ganun nga talaga? Di ko gets."
"Ganun nga siguro. Hindi porket TRUE LOVE eh magiging kayo na. Minsan, mas true ang true love kapag nagmamahal ka pa rin kahit na alam mong walang chance na magkatuluyan kayo, kahit na umiibig ka na lang sa malayo."
Gusto kong matawa na ewan. Bakit parang nag se self reflection 'tong buang na to.
"Hmm. Siguro nga. Pero Cis, diba, hindi mo rin naman pwedeng ipagkait ang TRUE LOVE sa sarili mo? Kung hindi talaga pwede sa iba, eh di sa sarili mo na lang."
Yes.. Kala mo talaga nasusunod eh no? Matagal ko na rin 'yang sinasabi sa sarili ko. Masyado lang talagang matigas ang ulo ko para sumunod.
Inakbayan niya ako at lalo akong napalapit sa kanya. Halos hindi ako makahinga hindi dahil sa higpit ng akbay niya kundi dahil sa sobrang kabado ako ngayon.
Sana hindi niya marinig ang heartbeat ko.
"Ara?"
"Yes?" napalunok ako habang naghihintay na magpatuloy siya.
"Do you think it's time to give up? Ang tagal ko nang naliligawan si Maddie eh, pero hanggang ngayon, wala pa rin."
Si Maddie. Ang babaeng mahal niya. Isa sa mga impossibilities naming dalawa. Gusto kong sumagot ng oo pero alam kong isa yang sa mga salitang makakasakit sa kanya, kase mahal niya yon eh.
Naalala ko rati, nung sinabi niyang nililigawan niya si Maddie, tumango na lang ako as a sign na okay siya sa'kin at kilala ko siya at sobrang ganda niya at wala akong maisip na comment dahil nasasaktan ako kaya tatahimik na lang ako.
Isa iyon sa mga weakest moments ko at mukhang meron na naman akong bago ngayon. Gusto kong maging makasarili at sabihan si Cis na tumigil na lang pero alam kong kailangan ni Cis ng encouragement ko lalo na ngayon.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. Alam kong magiging masakit 'to, pero dapat kayanin ko. Halos maiiyak na ko, pinipigilan ko na lang na magpaapekto sa nararamdaman ko.
"Cis, ganito kase yun eh. Baka naman kailangan niya pa ng time? Oo, hindi ka pa niya sinasagot pero it doesn't mean na hindi ka na niya sasagutin."
Medyo nagbago ang expreson niya, kanina eh halos hindi ko maabot ang iniisip niya pero mas naging mukhang normal siya ngayon. "Seryoso? Ganun ba yun?"
Nakangiti siya sa'kin habang naghihintay ng sagot. Nakita ko na naman ang kulay pink niyang braces sa ngipin kaya lalo siyang naging cute sa paningin ko.
"Oo kaya! The fact na hinayaan ka niyang manligaw is a big thing. Ibig sabihin, may chance ka, may laban ka. All you have to do is to prove that you're worth it."
BINABASA MO ANG
Million Miles Away
RomanceTotoo ngang may mga taong mahirap abutin gaya na lang nang kung paanong nahihirapan si Ara na abutin si Francis kahit pa na sobrang lapit na nito sa kanya. Para kay Ara, tapos na ang love story nila kahit na hindi pa ito nasisimulan dahil alam niy...