Ara
Umuulan pa rin nung sumunod na umaga pagpasok ko. Mukhang may bagyo yata pero hindi ko sigurado dahil halos nakatulog na ako kaagad pag uwi ko ng bahay kahapon.
Oo nga pala, ngayon ko malalaman kung makukuha ba ako sa TCP.
Halos isang libong beses na yata ako nag check ng phone mula pa kaninang umaga. Sabi kasi nila, tatawag daw sila kaso, hanggang ngayon ay wala pa din akong balita mula sa kanila. Umaasa akong makukuha ako pero sana, sabihin din nila kung hindi dahil ayoko ng ganitong pakiramdam, ang naghihintay.
Mukhang wala pa ding balak tumigil ang ulan na to sa pangungulit sa mga tao dahil halos mga ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay mas lalo itong lumakas kumpara sa ulan na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng bahay kanina.
Naka cross fingers pa ako maglakad dahil natatakot ako na baka sumpungin na naman ako ng katangahan at baka makipag face to face ako sa semento. Mabuti na lamang at hindi ako napano at halos malapit na ako sa sakayan. Medyo iritado ako dahil tumunog bigla ang phone ko pero agad agad ko din itong sinagot dahil baka ito na yung hinihintay kong tawag.
Tiningnan ko muna yung caller ID bago ko itinapat ang telepono sa tenga ko. Hindi siya galing sa TCP pero hindi naman ako na disappoint dahil si Cis pala ang tumatawag. Medyo nakangiti pa nga ako nung sinagot ko siya..
"Ahm, hello?"
"Bakit ka nakangiti?"
Siraulong 'to. Anong trip na naman niya? Mabuti na lang at may waiting shed dito kundi mas lalong madadagdagan ang ngarag na nararamdaman ko. Bakit ba ang sweet ng boses niya? Badtrip! Bakit lagi mo akong pinapahirapan?
"Hindi kaya."
Napahinga ako ng malalim. Ara, bumabalik na naman eh. Kelan mo ba pipiliing maging masaya?
Psh. Kelan ba nawala?
"Sus. Nag deny ka pa. Nakikita kaya kita."
Lumingon lingon ako pero hindi ko siya nakita. Pinilit kong itago ang mga ngiti ko at kulang na lang ay halos ibalot ko ang sarili ko sa payong na hawak hawak ko.
""Uy, hinahanap nya ko. Haha."
Pinipigilan ko ngumiti dahil ayokong makita niyang nagkakaganito ako. Kung nandito man sya.
"Francis Rey Serrano! Mala late na ko. Wag mo kong pinagtritripan."
"Kalma lang. Easy. Haha. Tara na."
Hindi ko alam kung anong trip ng taong to pero hindi siya nakakatuwa. Lalo lang nagiging mahirap.
"Sige bye."
Mabilis kong ibinalik ang phone ko sa loob ng backpack ko at surprisingly, eh parang bigla akong naging good mood. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari pero pinipigilan ko talagang ngumiti. Kung nasa bahay lang ako, malamang nagtatalon na ko sa sobrang kilig.
Medyo maaga pa naman kaya hindi naman ako nainis kahit na halos 20 minutes pa akong naghihintay ng jeep para lang makapasok. Napaisip ako sa sinabi kanina ni Cis. Anong ibig sabihin nung sinabi niyang "tara"? Hindi ko alam kung sabay ba kami papasok o magkikita kame sa school or kung ano. May kakaiba sa kanya at sobrang curious akong malaman kung ano yun.
Sa wakas! May natatanaw na akong jeep na papalapit pero hindi ko na nabasa kung anong signboard dahil bigla na lang nagdilim ang paligid ko at may nararamdaman akong mga kamay na tumakip bigla sa mata ko. I swear, wala akong nakikita pero alam na alam ko kung gaano kalaki ang ngiti ko ngayon. Ang dami talagang pakulo.
BINABASA MO ANG
Million Miles Away
RomanceTotoo ngang may mga taong mahirap abutin gaya na lang nang kung paanong nahihirapan si Ara na abutin si Francis kahit pa na sobrang lapit na nito sa kanya. Para kay Ara, tapos na ang love story nila kahit na hindi pa ito nasisimulan dahil alam niy...