.
.
.Chapter 5- HeeYoung
Agad akong suminghap ng hangin pagkarating ko sa ibabaw ng tubig. Pilit kong inaahon ang sarili ko para hindi ako tuluyang malunod.
"Tulungan niyo ang binibini!"
"nalulunod ang binibini!"
May mga naririnig akong nagsisigawan. Mayamaya pa'y may naramdaman akong kamay na pumulupot sa aking biwang at inilangoy ako nito papunta sa mababaw na parte ng tubig kung saan ay sinalubong ako ng mga kamay na humatak sakin paahon.
I chase my breath and cough the water that I accidentally drunk. Umihip ang hangin kaya bigla akong napayakap ng mahigpit sa aking sarili.
" Nanginginig siya. Kumuha kayo ng pangbalot. Dalian niyo." narinig kong sigaw ng isang babae.
" Masusunod aking prinsesa."
Nakayuko lamang ako at hindi ko magawang iangat ang paningin ko sa mga taong nakapalibot sakin. Ano bang nangyari?" Binibini, ayos lang po ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" umiiyak na tanong ng isang babae.
"Bulag ka ba? Ano sa tingin mo ang kalagayan niya? Hindi mo ba nakikitang hindi siya maayos?" galit na sigaw sa kanya ng babae. Mas lalo namang umiyak ang babae nagtanong kanina.
" Kasalanan ko ito. Dapat hindi kita hinayaang mag-isa. Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi na ako umalis."
Hindi ko masyadong marinig ng malinaw ang mga sinasabi nila dahil nagdidilim ang paningin ko at para bang umiikot ang paligid. Sinubukan kong iangat ang ulo ko. May mga naaaninag akong mga mukha na hindi pamilyar sakin. May sinasabi sila pero hindi ko magawang makuha dahil unti-unti ng pumipikit ang talukap ng aking mata.
.
.
.Naalimpungatan ako ng marinig kong bumukas ang pinto na sinundan ng mga yapak. Pinakiramdaman ko ang paligid.
"Ina. Kamusta na si HeeYoung?" narinig kong tanong ng isang lalaki.
"Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Labis na akong nag-aalala sa iyong kapatid, Geun-a. Baka mamaya ay hindi na siya magising." dinig kong hagulhol ni... teka, boses ba yun ni mommy? kumunot ang aking noo sa napansin. Hangul ba yung ginagamit nilang linggwahe?
"Ina, Huwag niyong sabihin yan. Magigising pa si HeeYoung kaya pakiusap, tumahan na kayo." alo ng lalaki sa kaboses ni mommy.
Mas lalong kumunot ang aking noo. HeeYoung? Sino si HeeYoung? At sino ang lalaking yun? Bakit siya nagsasalita ng hangul?"Kasalanan ko po ito ginang. Nararapat lang po akong maparusahan. Kung hindi ko lang sana iniwan ang binibini, hindi mangyayari ito." iyak naman ng isang pamilyar na boses.
Teka, nasaan ba ako? Bakit may naririnig akong nagha-hangul? At bakit parang hindi ko marinig ang boses ni daddy? Nina ate? Nasaan sila? Nasaan ako? Nasa kwarto ko ba ako? O sa hospital?
Biglang pumintik sa kumirot ang ulo ko kaya napapikit ako nang mariin. Aray!
"EunJi-a! Hindi nakakatulong ang mga sinambit mo. Mas lalo mo lang pinalungkot ang damdamin ni ina." narinig kong suway ng lalaki.
Sino naman si EunJi?
"Patawad ginoo."
Wala nang nagsalita pa. Tanging naririnig ko nalang ay ang mga mahihinang hikbi at buntong hininga. Napaisip ako, nananaginip ba ako? O guni-guni ko lang yun? Pero kung nananaginip ako ngayon, bakit nararamdaman ko ang sakit sa ulo ko?
YOU ARE READING
Love Between Role
Historical FictionThe bizarre adventure of Cyella Chimes in the fictitious yet historical world of Joseon Empire. Her life begun to change when the deities chose her to save the Crown Prince and take over the inside world of a mysterious book. But all her determinat...