~세~ The Book Preview

5 0 0
                                    

.
.
.
.
.
.

CHAPTER THREE (세) - THE BOOK PREVIEW

Hindi ko alam kong saan kami pupunta, basta nagpahila lang ako sa babae. Tumitingin-tingin parin ako sa paligid, iniisip na baka panaginip lang ito dahil impossible namang pagkabukas ko lang sa pintuan ko ay ibang mundo na ang nakikita ko.

Dumaan kami sa maraming tao, nakikisiksik. May mga nababangga na din kami dahil ang iba din ay nagmamadali. At Nung paliko na yata kami ay may isang lalaki talaga akong literal na nakabanggaan. Nauntog ako sa dibdib niya at sa sobrang lakas ng impact ay nahulog ako sa sahig.

"Ouch! Ang pwet ko!" hinihimas-himas ko ang pwet ko at saka noo. Pero mukhang napuruhan yata talaga ang pwet ko. >×<

Nilingon ako ng babaeng humatak sakin nang marinig niya ang daing ko. Suminghap siya at dali-daling dumalo sakin.

"Binibini. Ayos ka lang po?" nag-alalang tanong niya sakin. Tumango ako bilang tugon.

"Ayos lang." kumunot ang noo ng babae. "ha?" tanong niya sakin. Kumunot ang noo niya at nagmistulang tanga ang ekspresiyon ng mukha niya. Para bang nakarinig siya ng kakaiba o nakakita ng alien.

Ay, Oo nga pala. Hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"ang ibig Kong sabihin ay ayos lang ako." pagpapaliwanag ko sa kanya. Nag-aalangang tumango siya.
Tinulungan niya akong tumayo at pinagpagan niya ang suot ko. Saka ko lang napansin na nakasuot pala ako ng hanbok.

The upper is color sky blue while the lower is red. Hindi ko alam ang pangalan ng mga designs pero maganda naman.

"Pasensiya na po kayo sa nangyari. Hindi po sinasadya ng aking ginoo." hingi ng tawad ng lalaki na may pang- army ang kasuotan. Bahagya siyang yumuko samin bilang sinseridad sa kanyang paghingi ng tawad. Ngunit nandoon parin ang matapang niyang awra.

Yumuko din ang dalagang kasama ko bilang galang at respito sa mayamang ginoo sa harapan namin.

Ackward akong ngumiti sa gwardya habang pa simple parin akong humimas sa pwetan ko bago tumingin sa lalaking nakabanggaan ko na hindi man lang ako o kami binigyan ng kahit isang sulyap. Nakatagilid lang siya samin at walang ekspresiyon.

Pupunahin ko na sana ang mukhang masungit na lalaking iyon ng dali-dali na naman akong hinila ng dalagang kasama ko dahilan na malipat sa kanya ang paningin ko. She bowed first to the two men before she gently drag me away from them.

Nilingon ko muli ang dalawa at nakita Kong naglakad na din sila palayo. Saka ko lang binigyang pansin ang babae.

Nilingon niya ako ng maramdaman niyang tumigil ako sa paglalakad. Binawi ko ang kamay ko sa kanya na ikinataka niya ngunit kalaunan ay bahagya siyang yumuko.

"Patawad binibini sa aking bulgar na pag-aasal. Ako'y nangangamba lamang na baka mahuli kayo sa iyong klase at mapagalitan na namang muli ng iyong maestra." Pagpapaliwanag ng dalaga habang nakayuko.

Instead of answering, I gazed around and trying to absorb what is happening. Iniisip ko paring panaginip ito kaya ako nandito o Di kaya ay nasa isang film shooting ako ng isa sa mga paborito Kong kdrama.

Wait. Baka naman napanaginipan ko ang Moon Lovers: Scarlet heart ryeo? Possible yun diba? Minsan kasi kapag masyado akong na-hook up sa isang drama at hindi ako maka-move sa ending ay palagi Kong napapanaginipan ang ending na gusto Kong mangyari.

A realization hits me and with those thoughts it convinced me that this is all a dream because there's no way na bigla nalang akong mapupunta dito.

Love Between RoleWhere stories live. Discover now