~하나~ The Book

10 1 0
                                    


P. S: the following itallic words are meant to be spoken in hanguel. So if you will encounter some itallic words it means that the person is talking korean. I decided to change it para less hassle for me and for you as well.

.
.
.

CHAPTER ONE (하나) - THE BOOK

"If we are not from the same world... I will find you... My... Soo."

Parang pinukpok ng sampong karpertiro ang puso ko sa sakit. Kanina pa nag-uunahan ang luha ko sa pag-agos at panay ang singhot ko sa sipon Kong tumulo narin.

I can't accept it. I'm not satisfied with the ending. Dapat nagkita pa sila sa present day. Dapat may reincarnation ang lalaki. Dapat- wahhhhhh! Huhuhu! Bakit ganun? Maganda ang storya pero ang sakit ng ending huhuhu.

"Chimes? *toktoktok* Gising ka na ba?" narinig Kong tanong ni ate Yella sa labas ng kwarto ko. Agad Kong pinatay ang TV at kinuha ang tape sa DVD kahit tumutulo parin ang luha ko, hindi parin maka move-on. Tinago ko ang tape at agad na bumalik sa kama para kunyari kakagising ko lang.

"B-bakit ate?" sigaw ko at hindi ko mapigilang hindi suminghot-singhot. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si ate sa loob.

"Kanina pa naka-alis sina Mama, hindi ka man lang- what the heck? Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" pasigaw na tanong ni ate nang makita niya ang mugto Kong mga mata. Tiyak papagalitan na naman ako nito. Tsk, bakit hindi ko kasi ni lock ang pinto?

"Ammh, ha? Hindi ah. Bakit naman ako iiyak?" painosenti kong tanong. Nag cross arms si ate at pinandilatan ako ng mata.

"Tell me. Nanood ka no? Kaya mugto yang mata mo kasi Nanood ka ng Kdrama." she said as the matter of fact, not a question or statement. I look away to avoid her gaze and start forcing myself to get up, kunyari tinamad akong bumangon.

"Hindi nga. Paano ako manonood kung kakagising ko lang? Tsk!" sabi ko, kunyari naiirita.

Sinundan ako ng mga mata ni ate sa paglalakad. She keeps staring at me and it starts to irritate me more.

"What?" I asked out of irritation.

Hindi siya sumagot. instead, she walk towards my TV and DVD and touch it. Napakagat nalang ako ng labi ng blanko ang mukhang tumingin siya sakin. Alam Kong mainit pa ang TV at DVD senyales na kakagamit lang, at dyan pa lang alam Kong besto na ako. Tatalakan na naman ako ng pagka detective wannabe niya.

"I assume you know what I am going to do with you." she said with her deadly glare. I bit my lower lip and heads down. Bisto na nga.

"Why do you always lie? You know how I hate liars Cyella Chimes."
Hindi ako kumibo. Nakayuko lang ako. Hinihintay ang susunod na linyang hindi naman bago sakin. They are always like that. They don't support my wants in loving kdramas. It's dangerous daw but until now I still don't know why it became dangerous. Though, they support my other hobbies and desires but not things related to Korea.

"For God's mercy, its still six in the morning, and kakagising mo lang. Yan agad ang inaatupag mo? Ang manood ng letseng Kdrama? You did not even wash your face first." patuloy na talak sakin ni ate, dinaig pa niya si Mama at ang lahat ng chismosa naming kapitbahay.

Apat kaming magkakapatid at puro mga babae. At sa lahat ng kapatid ko, si ate Yella Cnon lang ang sobrang OA at over protective. Siya lang ang pinaka-against sa kabaliwan ko sa kdrama at sa lahat ng parte sa Korea. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit.

Narinig Kong pumasok si ate Keilla, ang panganay naming kapatid. Sumunod si ate Ailla, ang ikatlo sa amin. Si ate Yella ang pangalawa at ako ang bunso.

Love Between RoleWhere stories live. Discover now