.
.
.PREFACE (머리말)
Wala parin akong idea kung saan kami pupunta o kung ano ang sadya namin dito. Dahil kung nandito kami para mag shopping, hindi lang ako ang dadalhin ni ate Ailla dahil masyado niya akong mahal para pagbuhatin ng mga pinamili, I'm sure isasama niya ang boyfriend niya para maging instant alalay. And speaking of which, baka ang bagong victim na naman niya ang kikitain namin ngayon? Tsk, kawawa naman yun kung ganun. Kailan kaya mag seryoso tong si ate Ailla.
"My dear Princess, can't you walk faster than that?" sigaw sakin ni ate Ailla. Masyado na pala akong nahuhuli sa kanya. Tinakbo ko ng bahagya ang distansyang pagitan samin.
"joesonghabnida~saan ba tayo pupunta?"
tanong ko kay ate nung nagpantay na ang lakad naming dalawa. She seems in a hurry kaya bahagya kong hinahabol ang bilis ng lakad niya."it's a secret nga. You'll find out later. Bilisan mo baka hindi natin yun maabutan."
"ito na nga eh, halos lakad-takbo na nga ginagawa ko."
Matapos kong sumagot ay bigla siyang huminto kaya napahinto narin ako ng biglaan. Muntik na nga akong mabangga sa likod niya dahil nasa likuran niya lamang ako.
She sighed in relief. "Thank God! Nakaabot din." sambit niya at nakangiting humarap sakin."Nandito na tayo? Ano ba kasi kailangan mo dito?" tanong ko. Titingin na sana ako sa taas para basahin ang name ng store ng bigla nalang tinakpan ni ate Ailla ang mga mata ko. "nope bawal tumingin. Its my surprise for you."
Iginaya ako ni ate Ailla sa loob habang nakatakip parin ang kamay niya sa mga mata ko. Nasa likuran ko siya at inaalalayan niya lang ako sa paglalakad. Sandali lang naman ang nangyari at agad niyang kinalas ang kamay niya sa mata ko.
"Surprise!"
Sumalubong sakin ang sandamakmak na mga CDs and DVDs, posters and latest albums ng mga Koreans. Nagningning agad ang mga mata ko sa nakita kong mga latest kdramas series, movies and even newest release Album ng EXO at BTS.
Sinilip ni ate Ailla ang reaksiyon ko at natawa siya ng hindi man lang ako nakapagsalita at umiiyak na."Are you crying because you're in joy?" tanong ni ate.
Umiiyak akong tumango. "P-paano mo nalaman 'to? I didn't even know this store." tanong ko habang pinupunasan ang basa kong mukha. Kahiya, pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"I saw it on Ig. My friend's sister went here yesterday and posted it on her Ig stories so I asked here about this store. It turns out that they opened it only recently so that's why you don't know." sagot ni ate Ailla.
I gazed around and saw that it's a pretty and instagramable place. May corner sila for picture taking na ang background ay mga pictures and posters ng sikat na Korean celebrities, iba ang male sa female celebrities. The right corner is for male, while the left is for female.
"And my friend's cousin is the owner of this store so I kinda asked for more time to wait us."
All kpop bands and groups are there, even the newest artist na kaka-debut lang last year and this year ay nandito. Plus the ambiance and paint color for their store is comfy and welcoming. Nakakagaan lang sa pakiramdam and para kang nasa heaven, indeed a heaven for me.
"Oh? Tatayo ka lang ba dyan? Hindi ka pipili?" muling tanong ni ate Ailla sakin. Nginitian ko siya. "Bakit, libre mo? Wala kaya akong dalang pera."
She smiled. "Don't worry. It's my early birthday gift for you. Pick anything you like as long as you can."
Mas lalong lumaki ang ngisi ko at muling nagningning ang mga mata ko.
YOU ARE READING
Love Between Role
Historical FictionThe bizarre adventure of Cyella Chimes in the fictitious yet historical world of Joseon Empire. Her life begun to change when the deities chose her to save the Crown Prince and take over the inside world of a mysterious book. But all her determinat...