[24]

1.9K 90 3
                                    

DACREIN

"megan sabay ka na sa amin!" aya ko sa kanya

lumingon ito sa akin at lumapit, "sure" mabilis nitong sagot at sumabay sa amin nila farrah

"kamusta si sabrina? is she okay?" tanong nito sa akin na agad akong napabaling sa kanya at sa dalawa na busy sa pakikipagchismisan

"she's fine" tipid kong sagot

"may time ka pang lumayo sa kanya dacre" seryoso nitong wika na nagpakunot ng noo ko

"what do you mean?"

she sighed, "sa totoo lang dacre gusto kitang tulungan pero hindi ko magagawa" she added

okay? naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi nya wala naman akong problema maliban kay sabrina

"what are you talking about?" gulong-gulo kong tanong sa kanya, sasagutin pa lang nya nang biglang humarang sa harap namin si jayson na sobrang sama ng tingin sa akin at ang mas nakakagulat kasama nya si chester

"hey megan!" bati ni ronald na nasa gilid ni jayson pero hindi sya pinansin ni megan dahil sa akin lang 'to nakatingin

"let's go crein" bulong ni farrah saka nya ako hinila pagilid

"sandali lang farrah!" pigil na naman ni jayson sa amin

"hoy dumuho di porket gwapo ka hahayaan ka naming ibully ang dacre namin!" matapang na aniya ni bakekang at lumingkis sa kabila kong braso

bali napapagitnaan nila ako, "abno gwapo na ba yan sayo?" tanong naman ni farrah kay bakekang

"ay panget ba? ay baka namalikmata lang siguro ako" sagot naman ni bakekang

sumama ang timpla ng mukha ni jayson mahahalata mo na ring gusto na nyang manakit kahit babae kaharap nya pero di ko yon hahayaan duh! kahit mga tanga 'tong mga kaibigan ko may malasakit pa ako

"dude mga babae yan kaya labas sila dito" seryoso kong wika sa kanya

[he scoffed] "pasalamat ka bakla may kaibigan kang magtatanggol at hindi ako pumapatol sa mga babaeng may sapak sa ulo" saad nito

"magkano paayos ng ilong jayson?" singit ni megan at humarang sa harap ko

nagtawanan naman ang mga nakapaligid sa amin sa sinabi ni megan, "megan huwag ka ng makialam" singit rin ni ronald na binabalaan si megan na hindi makialam

"ayokong naiinsulto ang kaibigan namin sa mismong harap pa namin" dagdag nya

napangiti ako sa sinabi nya alam nyo ung feeling na hindi ko pa naman sya gaanong kakilala pero kung ituring ka nya parang kilalang-kilala ka nya, hindi ako nagsising kaibiganin 'tong si megan

"ano naman' to?" may sumingit

napalingon kaming lahat sa taong papunta sa pwesto namin ang babaeng ayaw akong pakawalan kanina tsk, "hey babe!!" masiglang bati ni jayson

"baby!" tili nya at patakbong lumapit.... wait sa sakin? sabay yakap pa ng mahigpit na akala mo ilang taon nya akong hindi nakita

"what?!" gulat na bulalas nila jayson na halatang napahiya sa harap namin pffft. buti nga sa kanya

natahimik ang paligid at nakangangang nakatingin sa amin lahat ako naman 'tong parang maiihi na sa sobrang kaba, fuck! ayoko pang mamatay

"baby i miss you already" dagdag pa nito at dinampian nya ang labi ko ng halik

"what the fuck dacre?! ano 'to? bakit mo sya kamolmolan?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni farrah

"ang jeje ng tawagan nyo" komento naman ni bekekang sabay bitaw sa braso ko dahil 'tong nakayakap sa akin mukhang wala atang balak na bitawan ako

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon